Biyernes, kakalabas ko pa lang sa culinary laboratory matapos ang food presentation nang makatanggap nag text message galing kay Morris. Tumigil ako saglit para basahin ang mensahe. Morris: I'm at the parking lot. Are you done? Magtitipa na sana ako ng irereply nang may lumapit sa akin. It was Zoren, flashing his boyish smile. Ibinaba ko muna ang cellphone. "Hi, Maddy. Pauwi ka na?" "Uh, yup." "Magmeryenda muna tayo d'yan sa malapit na café. Kung okay lang naman sa'yo..." Kung normal na araw ay pauunlakan ko ang imbitasyon niya. But it's not. Morris was waiting for me. "Pasensya ka na, Zoren. May lakad kasi ako, e. Maybe next time. But not now." Tipid siyang ngumiti. "Okay lang." "Alright. Mauna na ako," sabi ko bago siya tinalikuran. After a few steps away, I lifted up my phone

