Nang kumalma ay kumalas ako sa yakap ni Wilson. Naglahad siya ng panyo na kaagad kong pinangpunas sa mga luhang lumandas sa pisngi ko, pati na rin sa mascara na kumalat sa ilalim ng mga mata ko. It made me look horrible so I immediately wiped it. Pero hindi iyon kaagad natanggal kaya binasa ko ng kaunti ang panyo. Wet wipes would be better, but I don't have it now so I'll settle for this. Mabilis kong inayos ang sarili at nagretouch para hindi mahalata na umiyak ako. Now, it's my pride that's all I have. And the least thing I could do is to save it. After I got satisfied on my look, I turned to him. Hindi kami puwedeng magtagal rito dahil baka may pumasok na. "Okay ka na?" malumanay niyang tanong. Nananantya ang tingin. Humigpit ang hawak ko sa purse at tipid na ngumiti. "Tayo na. I a

