(FLASHBACK…) THE OFFICE BUILDING was already half-empty when Blythe finally finished organizing the remaining documents on her desk. Madilim na sa labas nang tumingin siya roon. Nag-inat siya at tiningnan ang kaniyang phone. She has one unread message from Evron. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. ‘I’ll pick you up, Love. Wait for me.’ Kapagkuwan, napatingin siya sa kabilang dulo ng opisina. May office mate pa siya na katulad niya. May tinatapos ring trabaho. She wanted to finish her job. Ayaw niyang ipagbukas pa ito dahil ibang trabaho na naman ang naghihintay sa kaniyang kinabukasan. Pero napatigil si Blythe nang maramdaman niyang parang may nakatingin sa kaniya. She looked around, but there was no one else except for her office mate, pero nakapokus ito sa ginagawa. Mabi

