CHAPTER 5

889 Words
BLYTHE was stunned and just stared at Evron. “H-how…did you… I…” Hindi alam ni Blythe kung ano ang kaniyang sasabihin dahil sa biglaang pagtatapat ni Evron. Dahil sa mga oras na ‘yon, sobrang bilis ng t***k ng kaniyang puso. Hinawakan ni Evron ang kamay ni Blythe. “You don’t have to rush to answer me. I’ll wait,” he said. Then he smiled. “I’ll pursue you.” Bumuka ang bibig ni Blythe, pero walang lumabas na salita. Hindi kasi alam kung ano ang kaniyang sasabihin, lalo na at maraming tumatakbo sa kaniyang isipan. She couldn’t find the right words to say. “Sige na. Pumasok ka na para makapagpahinga ka,” sabi ni Evron. Isang tango ang naging tugon ni Blythe, saka tumalikod. Nagsimula na siyang humakbang, pero nakailang hakbang pa lamang siya nang mapatigil siya. Blythe suddenly came to realize something. Evron was asking her to his girlfriend, and he likes her. She never had a boyfriend. And as a woman, she also hoped to be in a romantic relationship one day. “Ito na ba ‘yon?” she asked herself. Sinulyapan niya si Evron na nakatingin sa kaniya. Umiwas ng tingin si Blythe. Evron was a handsome man. Daig pa nito ang mga artista sa TV. Halatang gentleman din at may respeto sa babae. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan niya. Crush naman niya ito. At isa pa, hindi naman siya ang unang umamin. Blythe turned to face Evron. Mabilis siyang lumapit sa binata. “Bakit?” tanong ni Evron. “May nakalimutan ka?” Blythe grabbed Evron’s neck, tiptoed, and pressed her lips against his. Nagulat naman si Evron sa ginawa ng dalaga at bahagya pang lumaki ang kaniyang mata. Blythe pulled away. “That’s my answer,” she said. Then she turned, but stopped. “That’s actually my first kiss.” At tumakbo na siya papasok sa kaniyang apartment. Naiwan naman si Evron sa labas ng apartment ni Blythe na bahagya pang nakatulala. He touched his lips, and a small but sweet smile appeared on his face. He pulled out his phone from his pocket and sent a message to Blythe. ‘Your lips were so soft, baby.’ He then sends another message. ‘See you tomorrow, baby.’ Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa saka umalis na. Pero habang naglalakad siya pabalik sa café, nagpadala siya ng mensahe kay Kaiden na magpadala ito ng magbabantay kay Blythe. May mga kalaban siya at ilan sa mga ito ay alam ang tunay niyang pagkatao. He didn’t want Blythe to get hurt because of him. Later that night, Evron had a good night's sleep. Pero hindi si Blythe. Hindi naging madali para kay Blythe na makatulog. The kiss she did to Evron was replaying in her mind. Pagulong-gulong siya sa kaniyang higaan habang binabasa ang text ni Evron. Tinakpan niya ang mukha gamit ang unan nang maalala niya ang paghalik niya rito. It was too late to regret. Ginawa na niya, eh. She was bold to make that move. Blythe sighed. “Hindi naman siguro iisipin niyang easy to get ako,” aniya. She forced herself to sleep. THE NEXT MORNING, Evron woke up like a different man. Iyon ang nakita ni Neriah nang dumaan ang kuya niya sa kaniyang harapan habang nakaupo siya sa living room. Nakangiti si Kuya Evron, na hindi naman ito gawain sa umaga. “Morning, Neriah.” Bati ni Evron. He was even whistling. Nagtaka si Neriah saka sinundan ang kapatid sa dining area. “Kuya, may sakit ka ba?” tanong niya. Evron looked at her sister. “Wala naman. Bakit?” Neriah raised one of her eyebrows. “Sigurado ka, Kuya?” Tumango si Evron. “Kumain ka na ba? Sabay na tayo. Kailangan kong maagang pumunta ngayon sa café.” Neriah was just staring at her brother. Parang ngayon lang yata niya narinig ang kuya niya na nagsalita nang ganito kahaba. Mostly, her brother could only speak one or three words at a time. Habang kumakain sila, hindi talaga maalis ni Neriah ang tingin sa kaniyang nakatatandang kapatid. She can see the genuine and happy smile on his lips. “Kuya, anong nangyari sa ‘yo?” tanong niya. “Bakit parang ang saya mo?” Ngumiti si Evron. “Secret.” Sagot niya. Uminom siya ng tubig saka tumayo. “Tapos na ako. Take your time eating.” Nang dumaan si Evron sa likod ni Neriah, ginulo niya ang buhok nito. “Kuya!” Evron chuckled and left. Neriah stared at her brother until he was gone of her sight. “What the hell did happen?” Neriah muttered to herself. “Bakit parang nag-iba si Kuya Evron? He’s not like this before.” “Na-possess ba si Kuya ng masamang espiritu?” Napailing si Neriah sa kaniyang mga pinag-iisip saka itinuloy na lamang ang pagkain. But she was worried about her elder brother. Kaya naman naisipan niyang i-spy ito. Gusto niyang malaman kung ano ba ang nangyayari sa kuya niya. Nakakapagtaka kasi ang mga kilos nito. Mas maganda sana kung nandito ang dalawa pa niyang kapatid para sana tatlo sila. But Neriah didn’t expect to see why her brother was happy that morning. Because she saw him with her two eyes holding the hand of a beautiful woman. And they looked happy together.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD