"hoy!" tawag nito sa'kin na pinipitik ang daliri nito. Siningkitan ko lamang ito at umayos ng pagkakaupo "Ah..ano kase brille" tinapunan ko ito ng blankong tingin "Pakopya ako, sige na please?"nakangiti ito habang nakatingin sa'kin. Hay kelan ba gagawa ng mga assignment itong kaibigan ko.
"As if I have a choice,venice." Tumingin ako sa pinto kung saan ay kapapasok lang ni jetro czar(jet-ro si-zar) Tinapunan lang ako
nito ng blankong tingin at humakbang papunta sa gawi namin. Bakit s'ya papalapit dito?
"Yehey,"sabay yakap neto "dabest! ka talaga" bumusangot ito saglit. "Ililibre nalang kita ng lunch." Tumango lang ako bilang tugon.
"Naiwan mo" walang ibang reaksyon at nababagot nyang abot sa filler ko,tiningnan ko lang ito na nasa malayo ang nakatingin. Lagi ba 'tong gan'to o sadyang wala sa bukabularyo ang makipag usap. Baka allergic s'ya sa tao?
"sala-" hindi ko pa tapos ang sinasabi ko ay inilapag nalang nito sa lamesa ko at umakyat na,sinundan ko lang ito ng tingin. Tulad ng naka gawian nasa dulo lagi sya ng hagdan ibig kong sabihin sa pinakataas at dulong pwesto.
Umayos na ako ng pagkakaupo ko, nasa ikatlong hagdan ako ng pwesto nakaupo. Mayroon pitong hagdaan ang aming classroom. Sa bawat hagdaan may dalawang mahabang mesa na tig tatlong katao ang maaring umupo. Ilang araw nalang ay mag mi midterm na, para bang syang hangin na nararamdam ko pero hindi ko nakikita. Sa lahat ng kaklase ko s'ya lang ata yung hindi ko nakakausap ay mali sya lang ang hindi namin nakakausap. Madalang lang itong magsalita at dinaig sa si flash sa sobrang bilis mawala. Hindi rin naman ako gaanong kainteresado rito kung hindi lang nya binalik sa'kin ang filler ko. Mabuti nalang at binalik n'ya major pa naman namin 'to at kahapon ko pa 'to hinahanap.
"Good morning class" sabay sabay kaming napatayo sa pag dating ng prof namin sa intro to psych. "Please be ready on our last quiz,last 5 minutes to review since you're all aware na may long quiz tayo ngayon." Umupo na ito sa kanyang silya at isa isa rin kaming nag si upo.
"Ito na, hays" napakrus naman itong si venice napa face palm nalang ako habang kumukuha ng yellow pad.
"'wag mo kalimutang ni isang santo na kilala mo baka sakaling mahatak tres mo nung prelim." Tiningnan lang ako neto ng masama.
Tumawa lang ako nang mahina at nag simulang isulat ang pangalan ko sa papel. Brille Alexa Quintos
"He is the American modern psychologist."
Nagtutuloy tuloy lang ang quiz namin habang ito namang si venice ay halos mabali ang leeg kakalingon sa papel ko. Buti nalang eh medj familiar na ako sa mga psychologist na 'to pati sa theories nila kaya yakang yakang. Mabilis natapos ang quiz at isa isa kaming nagpasa sa lamesa ni prof Manuel.
"I'm planning to discuss with you the correct answer for today's quiz but we ran out of time. I will try to discuss it at our next meeting, that's it for today's class dismissal! btw for the next reporter for psychoanalysis of Sigmund be ready." Kinuha na neto ang gamit nya at inalalayan pa ng iba kong mga kaklase marahil ay may concern din about sa grades.
"Dali, mag lunch na tayo. Didiretso pa tayo sa lab mamaya para sa disection eh." Usal neto, kinuha ko lang ang bag ko. Last subject pa pala balik namin dito.
"Saan tayo tatambay may 2 hrs tayong vaccant before bio." Nakahawak ito sa dalawang hawakan sa bag nya at naunang naglakad sa'kin.
"Tumambay kaya muna tayo sa mall o dun nalang tayo kumain sa food court?" tanong neto sa akin.
"Pwede" nakangusong tugon ko.
"Tingin mo ba aabutin pa yung report na'tin before mid terms baka kase ipahabol nya next meeting." Tinapunan ko lang ito ng tingin nung nasa hallway na kami.
"Hindi naman n'ya binanggit eh, saka okay naman na ppt na'tin. Unless kung hindi mo pa alam irereport na'tin venice mukhang hindi malabo."
"Eh?" kumapit ito sa braso ko " Nag spazz kase ako"
"Dati rin naman akong spazzer ng exo ah?"
"Dati yun alexa,ako until now spazzer pa rin ako multi fandom pa. Malapit na pa naman concert ng twice can't wait to see them again! hays."
"Sana alam mo na student ka rin, kolehiyo pa. Hindi ka na highschool venice para mag petiks d'yan. Kaya naman kitang tulungan bilang kaibigan" Pagdating namin sa parking lot ay dire diretso lang kaming nag lakad dahil malapit lang naman itong builing namin sa west parking lot. "Pero hindi sa lahat ng pagkakataon e,kaya kitang tulungan." Pumasok na ito sa loob at umupo sa tabi ko.
Nagseatbelt muna ako bago pinaandar ang makina.
"I get your point, pero alexa alam ko naman gusto ko at..ano kaya ko kayanin ko,kakayanin ko." tinapunan ko lang ito ng tingin. "Chill papasa ako,hehe."
"Hope so, walang I kahit ako duda e. Charot lang"
"Tss, bakit ikaw wala ka bang pinagkabaalahan o baka nag-" niliitaan ako ng mata habang dinuduro ako ng daliri n'ya.
"What?"irritado kong tanong.
"Ang init ka agad ng ulo,
lakasan mo nga aircon mo ang init whoo grabe." Nag pa paypay pa ito gamit ang kamay nya at halatang tinitease ako.
" Todo na yan, baka 'di ka kase naligo. hahahah"
"Excuse you!" duro neto sakin habang ako naman ay iiling iiling na nagmamaneho. " Hmp, 'lam mo ba na tatlong beses ako sa isang araw naliligo. Gusto ko lang talaga ng malamig,bwiset ka!" napahagalpak naman ako ng tawa "tumawa pa nga."
"Kase ang defensive mo, can't you take a joke? lol." pinark ko na ang kotse ko sa likod ng mall.
"You!" umiling lang ako pinatay ko na ang makina napansin ko namang nakacross arm itong si venice sa peripheral vision ko.
"Baba na, tigilan mo'ko d'yan gutom ako." Binuksan na nito ang pinto ng kotse at bumaba. Napaka moody at pikon talaga nito.
"Saan tayo?" lumapit ako dito at sabay kaming naglakaad papuntang entrance ng mall.
"Sa food court nga? sabog ka ba?" pag ulit ko.
"Hindi, I mean saan dun? Ang dami kaya at ang lawak hanu."
"Hahanap pa nga" pag suko kung pagsabi,naku venice sumasakit ulo ko sayo tanghali palang pero yung inis ko abot hanggang katapusan ng nobyembre.
"Okay," kumapit ito sa braso ko "hoy!pakapit naman kase alexa!" Iniiwas ko naman ang braso ko at patuloy ito sa paghuli upang kapitan. Sira talaga! natatawa nalang ako dito.
"Tila gusto kong mag chao fan pero gusto ko nang chicken ng bonchon hmp.Ang hirap mamili bakit ba ang daming masarap kainin?"
Nakapamewang itong nakaharap sa dalawang food chain. " E ikaw?" baling neto sa'kin.
"Hindi msgiging pagkain yun kung hindi masarap.There" pointing using my lips "Trip kong mag pork sisig"
"Sige na nga dun muna tayo, I can't still decide what to eat when I can order them both 'diba?" Habang nauna itong naglakad sa'kin, since this is venice treat susunod ako.
"Aba'y ewan ko sayo,ang gulo mo" napa face palm ako.
"One siszzling sisig po kuya." She ordered. "Ano trip mong drinks?" baling neto sa'kin.
"Mag mimilktea ako." sagot ko,tumango lang ito.
"Bet" natawa nalang ako ng mahina sa reaksyon nito.
After 5 minutes kinuha ko narin ang order ko, nakapila ako sa may macao emperial unti lang naman pila dito sa food court kesa sa mismong shop. After I ordered our drinks naghanap na agad ako ng seats na madali akong makita ni venice,she's still waiting for her order. Ang takaw naman kase nun bago pumasok kanina ang daming dalang sandwich galing 7/11 na tapos andami pang kape nakatulog din naman pagkatapos. Puro kopiko 48 baka mag palpitate na yun hahaha.
"Nginingiti mo d'yan" I look at her with a blank expression -.-
"Wala" tugon ko.
"Baliw?" She sat infront of me. "Tatawa ka for no reason,owemji don't tel-" I cut her off.
"Kumain ka nalang,may na alala lang ako." Nag simula na akong sumubo ng kanin.
"Weh? ano ba yun ba't hindi mo sinasabi kase duh? Share your blessing paano ako sasaya n'yang kung sinosolo mo lang" pag usisa nito. "Ayaw mo ba dalawa tayong tumatawa?"
"Wala nga yun, kumain ka nalang dyan." bumusangot lang ito,sira talaga.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Pa alis na kami ng food court ng makita ko si jetro czar. Eh? Bakit naisipin nito pumunta dito? Oo, nga pala feeling ko naman akin 'to e open for public 'tong food court. Siguro naumay na sa mga menu sa cafeteria. Saka hindi ko naman s'ya kilala baka nga madalas pa iyon na andito.
"Teka, hindi pa kase ako nakakapag pasalamat kay jetro kanina inalisan ako eh." pagkwento ko sa kaniya.
"Eh? asa kang kausapin ng weirdo na 'yan" tinaasan ko lang ito ng kilay. "Okay, sige na." pag suko nito at tumango nalang
Tinapos lang muna namin ang pagkain bago pumunta sa pwesto kung asan si jetro. Naglakad na kami papunta sa pwesto nito mga ilang hakbang nalang kami rito ng tumingin ito sa gawi namin at nagmadaling tumayo.
"Teka!" sigaw ko, hinabol ko naman ito at nagmadali talaga itong tumakbo para iwasan kami pero bakit?
"Ano ba? kakain lang na'tin patatakbuhin mo 'ko, tingnan mo nawala 'diba? hindi ka kakausapin nun. Inabala mo pa tuloy pagkain nun." Busangot nalang ang naitugon ko rito.
Gusto ko lang naman magpasalamat. Bakit kailangan pa kaming takbuhan hindi ko naman s'ya sasaktan. Grabe naman sobrang ilag n'ya sa tao. As if naman na may virus ako? na overwhelmed kaya iyon?
"Tara na, ano saan mo gusto tumambay gusto mo ba mag sine nalang tayo? Dali may bagong release yung kay joker eh ano?" aya nito,tumango lang ako kahit alam kung hindi naman n'ya nakita.
Iniisip ko parin kase si jetro kakain kaya s'ya uli? Nakakapit lang si venice sa braso ko, hindi mawala sa isip ko si jetro. Hays,
umiling nalang ako at binaling ang panigin sa paligid. PapaJesus,kayo na ang bahala kay jetro hindi ko naman po intensyon na istorbohin s'ya sa pagkain at mas lalong matigil ang pagkain nito nagulat lang ako na tinakbuhan n'ya ako. Bakit ko ba iniisip yon? Hay mag sorry at mag thank you ayun titigilan na natin s'ya.
"Ako na pipili ikaw sa foods ka. Cheese popcorn sa'kin ghorl saka coke, ay dapat pala bumili tayo sa potato corner ng fries ano?"
"Sira,tila naman ang layo ng potato corner ayun oh" turo ko "sige na pila ka na, bibili rin ako ng fries go!"
Malawak na ngiti ang tinugon nito "yie,spicy bbq.see you!" umirap nalang ako sa kawalan nang talikuran namin ang isa't isa tila naman sa makalawa pa kami magkikita ulit.
Naglakad na ako papuntang stall ng potato corner. Pumila muna ako,wala naman masyadong tao kaya madali akong naka order ng tera size spicy bbq at spicy cheese flavor. Hindi ko alam kung manunuod ba talaga kami ng movie nito o mag mumukbang? Ay hindi si venice lang ang magmumukbang ang dami n'yang uubisin ngayon. Wala naman sigurong dalawang oras yung movie baka malate na kami nito ni venice. Wala pang sampung minuto ay nakuha ko na ang order namin.
"Thankyou po!" tumalikod na ako sa stall at saka naman pumila sa may popcorn malapit sa ticket. Nakapila parin si venice ang haba ng pila walang'ya! Makakaabot kaya kami baka kauumpisa palang ng movie ay tumakbo na kami palabas ng sinehan.
Sumenyas ito na naiinip na s'ya kaya natawa naman ako. Bahala ka d'yan venice ikaw nakaisip nito. Mag dusa ka dahil sa ginusto mo ito pwede namang mag window shopping nalang.
"Two coca-cola po and then 1 large popcorn barbeque."
"Wait miss." Kumuha na ito ng pop corn pati drinks "220 pesos" naglabas ako ng 300 pesos bill. " I received 300" sinuklian na ako nito at tumabi sa gilid.
Yawa! Ang dami kong dalang pagkain jusme. Medyo malapit na itong si venice siguro ay pumila lang din yung mga kasama nung mga nauna. Hiwakan ko lang ng mahigpit ang popcorn baka wala pang minuto ay bumagsak iyon sa sahig. Pinasok ko sa paper bag ang popcorn kung nasaan ang fries ni venice, buti naisipan ko rin. Kaya nabawasan ang hinahawakan ko. May itatagal pa ba 'to?
"Tara na, akin na 'yan" kinuha na nito ang paperbag n'ya at drinks. "Grabe mas matagal pa ata pila kesa sa movie." reklamo nito habang naglalakad kami papasok sa loob.
"Gaano katagal 'yan?" tanong ko.
"1hr and 20 minutes." sagot nito.
Pakshet, delikado bibilisan ko nalang siguro mag maneho sana hindi traffic. Pagkalampas namin sa guard ay naghanap na kaagad kami ng pwesto sa loob syempre yung malapit sa dulo para mas cute, ewan ko kung bakit pero basta ayuko sa harap.Inilapag ko na ang inumin ko sa lagayan ng drinks at nagsimulang lantakan ang fries, hindi ako nag popcorn lagi kase akong nabubulunan lalo na pagmanunuod tapos magugulat ako bigla.
"May bago na namang labas ang marvel" komento ng katabi ko,si venice.
"Yep, It seems cool naman parang ang worth to watch wait tingin mo?"
"Mukha, 3 months from now pa naman ang release tagal pa."
"Eh malapit na." dagdag ko pa.
Namatay na ang screen at unti unti ng nagplay ang movie. Medyo maingay ang tao sa loob ng cinema may iba pang sumisigaw na akala mo horror e action naman. Ito namang si venice ay lumantak lang ng lumantak nag hanap lang ata 'to ng lugar na pwede n'yang pagkainan. Gaya ng inaasahan sa pagkain lang nakatuon ang atensyon ni venice at nag cellphone nalang. Sana nasa food court nalang kami pero dahil libre naman n'ya magrereklamo pa ba ako?