Kaharap namin ang lawyer ko habang si rocky naman nag
oorder sa counter.
"How are you doing?" panimula nito.
"I'm good, Give me some good news."
"I'm sorry brille, we're doing our best para sa kaso ng mommy mo. Babalitaan kita kaagad pag may nalaman na kami."
Tumango lang ako. "Asahan ko 'yan, dala mo na yung pera?" kinuha nito ang bag n'ya.
"I withdraw 2 million pesos from your mother account. Pinagsama ko na yung pera n'yong dalawa. About the car ako ng bahala mag hatid sa apartment mo what kind of car do you preffered?"
"I don't need luxury car, mercedes benz will do. 10m last price." tumango lang ito.
"Hindi pa luxury car yun?" biglang sulpot ng pinsan ko habang natatawa.
"Hahahaha" natawa naman si Atty.Guavez.
Eh? Ano ba dapat pag untugin ko 'tong mga to. I crossed my arms,maybe because i'm living in luxuries life but doesn't mean I can't live in normal life I think that's exciting too. Nasanay lang ako na nakukuha agad mga gusto ko.
"Late na attorney, akala ko pa naman mag stay ako sa bahay." Habang tinitingnan ko ang coffee ko.
"Hayaan mo na yun, mas okay nalang na nakabantay ka sa galaw ng father mo para alam mo nangyayare." tumango lang ako sa sinabi ng pinsan ko.
"Nga pala brille aside from business ano pa ang meron kayo?" napaisip ako sa tanong ni atty. sa totoo lang hindi ko pa alam.
"I dunno, si papa baka alam n'ya?"
"We'll try to find out kung anong pag pag aari meron kayo." tumango lang ako
"Meron ka pa bang kailangan?" umiling ako.
"See you next time, mauna na ako."
"Thankyou attorney." rocky
"Next time I want some good news!" sigaw ko nung nakatalikod na ito.
"Hindi madali yun, ano ka ba i'm sure iuupdate tayo nun pag nagkataon 'diba?" tinginan ko lang ito, hindi ko alam pero pakiramdam ko gusto ko s'yang buhusan ng kape.
Its been 7 years since my mom murdered tapos sasabihin nila iuupdate ako kelan pa? I'm already grown woman, I'm not a kid anymore I am a woman. Ano bang gusto nila mamatay ako ng hindi binibigyan ng hustisya ang nanay ko? tss.
"Anong hindi madali, rocky milyon binabayad ko? 7 years na mag isip ka nga!" naiirita kung sagot hinawakan naman ako sa kamay nito.
"Oo, pero masyadong malinis ang pagkakagawa nung kaso ni hindi malaman ng mga investigators kung homicide yun o murdered." I rolled my eyes.
"Edi ang bobo naman nila andami kung hinire oh, tapos 7 years imagine kung gaano katagal. Pakiramdam ko may kinalaman si daddy rito eh, napagaling ng kriminal na yun pakiramdam ko iniisahan ako." ngumisi ako nasamid naman ito ang takaw kase
"Dahan dahan jusko!" tumawa naman ito.
Ako gigilit sa leeg mo!
••••
Inihinto na ako ni rocky sa baba ng building, 8 pm na rin. Umakyat na ako sa apartment namin. Nagdala lang ako ng bucket chicken from kfc dahil paborito yun ni venice para naman kumakain yun habang nag ku kwento ako sa nangyayare. Unang katok ko palang ay bumukas kaagad ang pinto at niyakap ako ni venice.
Namiss naman ata ako nito ng sobra.
"Sobra mo ba akong namiss?" tanong ko. Hindi ito sumagot at dumiretso sa upuan. "Birthday pala ni caleb pero pinaalis kaagad ako ng bahay hindi man lang ako pinatulog ng magaling na kabit!" napacross arm ako habang nilalapag ang pagkain.
"Wait nagkasagutan na naman ba kayo? Anong nangyare?" pag usisa nito.
"Kumain ka na ba?" tanong ko rito umiling lang ito at kinuha ng fried chicken. "Kain ka lang, bad mood ata yun nanunuod lang ako andaming sinasabi."
"Si toby?" gulat nitong reaksyon ng mapansin ang cage sa gilid ko. Nilabas ko agad si toby at nag himay ng manok. "Toby, lika kay ate" kinuha nito si toby.
"Kinuha ko na yan, 'di ko sure if naalalagaan eh although maayos naman ang kwarto saka nakita kung kakain lang nito at tambak pa food nito nasa gilid ng tv."
"Edi mabuti, eh ano nga nangyare sa pagpunta mo dun?"
"Edi ayun highblood si dulce. Alam mo naman yun sa tagal kong nawala iniisip na umuwi ako dahil sa wala na akong pera."
"Eh? S'ya nga itong wala tapos parang linta kong makadikit sa tatay mo. Grabe 'no imagine napagt'yagaan ng tatay mo yun tatlo o apat na taon na din sila ha." napasandal lang ako ng upo.
"Nagkasagutan ulit kami ni papa, kahit naman na ayaw na akong pabalikin nun sa bahay may karapatan parin ako besides need ko na makuha lahat ng sakin. I'm already 19."
"19 kamo bukas, happy birthday sis. Sakto pupunta sina mama rito ano labas kaya tayo kasama si kuya?" tumango lang ako "Hindi nga pala bago yun." tumango lang ako ulit.
More than 3 years ko silang kasama na mag celebrate ng brithday. Mas inituring kong family ang family ni venice kesa sa family ko talaga, paanong hindi e welcome ako. Sa bahay kung itaboy ako at sermonan parang ang laki ko namang kasalanan sa buhay nila.
"Bumili ulit ako ng bagong sasakyan," tinaasan ako nito ng kilay. "Iiwan ko raw sa bahay yung kotse at atm ko sabi ni dulce ang lakas ko daw maglayas tapos hindi ko naman kaya mag provide para sa sarili ko."
"Aba 'yang step mother mo ang talim ng dila. Mas may pera ka nga sa kan'ya, alam mo kahit 'di mo tapusin college degree mo eh aangat ka na buhay. May mga businesses kayo, samantalang si dulce isang licensed CPA nga hindi naman ginagamit. Sayang lang kamo degree n'ya magiging kabit din naman pala in the future ang lakas pang umasa sa pera n'yo at ang lakas maka sermon eh daig pa nun palamuning bata." Natawa nalang ako rito at nahampas ng mahina sa hita, baliw eh. "Ano? totoo naman ah?"
"Wala naman akong sinasabing hindi,hahaha natawa lang talaga ako. Ewan ko ba d'yan kay dulce."
"Pero babalik ka pa ba?" tumango ako "Bakit?" tanong n'ya ulit.
"May aasikasuhin akong properties. Hindi pa naman sa ngayon siguro fo-focus muna ako sa midterms exam since next week na iyon."
"Ay,Oo nga pala. Last week na 'to ng discussion natin."
"Buti nabalik sakin yung notebook, bihis lang ako magre-review pa ako." tumayo ako at iniwan lang si toby sa kanya.
"Sige, nanunuod pa ako money heist eh. Akin muna si toby ah?" saka niyakap nito ng mahigpit pusa ko.
"Okay, una na ako." Dumiretso na ako sa kwarto at hindi naman na ito nagsalita nag focus talaga sa pinapanuod.
Ano kaya uunahin ko? Riph ba? Ay hindi purcomm nalang or understanding self. Eh? umupo ako sa study chair ko at bumungad sa'kin ang tambak na papers na pinrint ko kagabi. Sayang naman ano ba 'to props? 'yuko na kase mag cram. Nanghihinayang ako sa scholarship mahal pa ng tuition kase 56k per sem ba naman kalula eh. Buti nalang pasok ako sa academic scholarship, full tuition ang valedectorian eh. Si venice naman partial yung academic n'ya tapos nag audition din ito sa dance group kasama ko para mag fully paid yung tuition.
Mas okay kase talaga na wala ka ng iniisip na payment although kaya naman. Pera ay pera madali lang gastusin yun parang bula ang bilis mag laho. Kung gaano kahirap paghirapan at ipunin sobrang dali naman ito gastusin at mawala. Kaya ayun hindi naman lahat ng gusto mo kailangan mo lagi mong iisipin kung need mo ba talaga? Eh? Bakit ko ba sinasabi 'to kung pwede naman ako bumili ng kotse na nasa 3-5M lang tapos nag demand pa ko ng mercedes ulit. Basta tandaan n'yo naalng yun, hindi ko maapply eh.
Kinuha ko ang mga reviewer ko at pinagsama sama. Kinuha ko sa drawer ko yung planner ko. Ay, shet yung notebook. Kinuha ko yung bag ko at kinuha ko yung notebook ko. Bumalik ulit ako sa lamesa at napansin ko ang isang sticky note sa likod ng notebook.
Please know how to value important things. Don't talk to me please! I don't need your reaction just accept this.
Baliw ba 'yun? Tamang hugot lang ngayon lang kaya nawala. Kaya s'ya umiiwas kase? ano ayaw ba nun sa'kin o ayaw sa tao. Ginulo ko nalang ang buhok ko bakit ko ba iniisip as if naman may maiaambag sa buhay ko yun.