AELE LEVI'S POV: "Levi, anong ginagawa mo? Kanina ka pa namin napapansin na hindi kumikibo r'yan. Wala ba tayo ngayong misyon?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Carl nang makalapit siya sa aking direksyon. Nasa loob ako ng isang room dito. Kahit na hindi ako komportable sa ambiance ng bahay, wala na rin akong magagawa kundi ang masanay na lang. Hanggat hindi natatapos ang himagsikan, kailangan kong magtimpi sa aking kinatatakutan. Medyo magabok-gabok na ang kama rito kaya nakaupo ako sa sahig habang nasa kama na wala ng sapin ang hawak kong lumang papel at ang ginawa kong pangguhit ay uling. Humigit sa isang linggo na rin naming ginagawa ang misyon. Sumama rin ang mga kabataan na gustong mailigtas din ang iba pa. Pero may tatlo ang naiwan na kababaihan dahil hindi nila kayang manakit

