Thirty-five : Jealous? CASSANDRA MAE Nilaro-laro ko yung ballpen ko habang nakatingin sa wall clock sa loob ng room namin. Daldal ng daldal yung guro namin sa may harap. 3 minutes left.. "We must replace-" Di na natapos ng guro namin yung dinidiscuss niya kasi lahat ng mga estudyante ay tumayo ng mag ring ang bell. All right, Lunch na! Nag unat muna ako bago tumayo. "Tara guys, Lunch na tayo! Kanina pa ko nagugutom!" Napatingin naman ako kay Christian at napailing. Lumabas na kaming sampu- wait nine lang pala kami ngayon. Teka, asan ba si Anthony? Bakit mo siya hinahanap? Namimiss mo noh? Napailing naman ako ng magsalita ang isang bahagi ng isip ko. As if I'll miss him! Wala naman akong feelings sakanya. Deny, deny pa! Aminin mo na kasi! Sabi ulit ng isang bahagi ng isip ko. An

