Ten : Friends? Friends
MARA JESSICA
8:00 am
Ilang oras na kami nandito sa ospital pero hindi parin gising si Kielyn. Hayy.
Napatingin naman ako sa taong bagong pasok sa loob ng kwarto.
"Uhh.. Galing ako sa baba, kaya napag isipan ko na.. Bilhan ka ng Pagkain." Nahihiyang sabi niya. Ngumiti naman ako. Cute talaga ni Mark kapag nahihiya!
Inabot niya sakin ang plastic at kinuha ko naman yun.
Umupo naman siya sa tabi ko. Katabi naman ng inuupuan namin ay ang hinihigaan ni Kie.
Sabi ng doctor, Kielyn's fine naman. She needs to rest kasi marami siyang natamong sugat. Tsk. Ba't di siya kasi lumaban? Haist.
Nandito din ang mga girls. Nakasiksik silang tatlo sa isang mahabang sofa. Nakanganga pa nga si Cassandra. Pfft.
Ang mga lalaki naman ay umuwi na. Pwera lang kay Mark at Xander.
"Ba't di kapa umuwi?" tanong ko sakanya.
He shrugs. "I don't know."
Napa face palm naman ako. Srsly?
"Uhh. Pwede mag tanong?"
He looked at me and Shrugged."Okay."
"Tungkol kay ano.. Kay-"
"Kay Demon?"
Tumango naman ako.
Tumahimik naman siya bigla.
Ewan ko. Gusto ko lang malaman kung sino ba yang si Demon na yan eh. Ang alam ko lang ay ang Reptile Skull ang dahilan ba't ako nalayo sa Kakambal ko.
Bumuntong hininga naman siya kaya napatingin ako sakanya.
"Well.. I have a Sister." Yes I know.
"Teka, Ba't napunta na jan sa sister mo?"
Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya nag peace sign ako.
"Twin Sister exactly. We were so close back then. Close din naman kami sa kuya namin na si Kuya Jino. Natatawa nalang ako twing naaalala ko ang away namin dahil lang sa pangalan ni Kuya." Tapos tumawa siya. Ngumiti naman ako ng palihim.
"Pinag aawayan kasi namin kung ano ang itatawag namin kay Kuya eh. Either Jino o Kiel haha. Kaya in the end. Tawag ko sakanya Jino siya naman Kiel." Nakangiting kwento niya.
Haha. Oo nga noh? Sinabunutan ko pa nga siya noon eh.
Napatingin naman kami ng bumukas ang pinto.
"Uhh.. Did I disturb you?" Tanong ng lalaki na bagong pasok sa kwarto.
I smiled at umiling.
"Pasok ka, Xander." Sabi ni Cass.
Di ko namalayan, gising napala ang mga girls.
Pumasok naman siya at binigyan ang mga babae ng pagkain.
Maya maya ay pumasok ang tatlo.
"Oh mga gunggong!" Bati ni Mark.
Tiningnan naman siya ng masama ng tatlo pero tumawa lang siya.
"Hmm.."
Napatingin kami kay Kielyn. Siya kasi ang Umungol eh.
"Yan kasi. Ang iingay niyo!" Cassandra said.
"Anong kami? Ikaw kaya!" Depensa ni Anthony.
"Shut up guys." Suway ni Ashton.
Tiningnan namin si Kielyn.
Unti unti niyang minulat ang kanyang mata.
"Kielyn! Are you okay now?"
"Thank God you woke up."
"Kie! I miss you!"
"Hoy girls. Hinay hinay. Kagigising palang ni Kie." Natatawang sabi ko sakanila.
"Hmm.. She's fine now. Pwede na siyang lumabas after lunch at doon nalang sa bahay niyo magpahinga." Sabi ng doctor at umalis na.
"Buti naman Kielyn at gumising ka na. Grabe yung mga mukha nila kagabi, eh. Hahaha! Kaso mas grabe yung isa jan. Hahahaha! HER face was EPIC! Nakanganga pa habang natutulog!" Kuwento ni Anthony at tumawa naman kami.
Bumusangot naman si Cass at pinaghahampas si Anthony. Pano ba naman, pinaparinggan siya ni Anthony eh!
Nagtatawanan,nagkwkwentuhan kami dito sa loob.
"Parang close na tayo dito ahh." Sabi ko bigla.
Tumahimik naman ang lahat.
Tumikhim si Mark.
"Ahmm.. Oo nga pala. I almost forgot. Di pa tayo friends." Nakangiting sabi ni Mark.
"Uhh.. Guys. Sorry nga pala sa mga sinabi namin noon sainyo." Hinging patawad ko.
"Sus! Ayos lang yun." Sabi naman ni Ashton.
Inakbayan naman ako ni Mark. "Yeah." Sang ayun niya kay Ashton.
"Hoy,Mark! Dumidiskarte ka kay Jessica ha!" Sigaw ni Anthony sakanya.
Nginisihan naman siya ni Mark.
"Dahil nag uusap-usap na tayo at naglolokohan pa nga.. Let's be friends shall we?" Tiningnan naman ako ni Mark.
Humarap naman ako kay Mark at inabot ko ang kamay ko.
"Friends?" I asked.
He smiled at inabot ang kamay ko.
"Friends." He said.
At nag hiyawan ang mga kaibigan namin sa tuwa.