MULING MAGING AKIN Chapter 70: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Matagal na tumitig sa mga mata ko si Jasper. Gusto ko lang naman malaman kung ano nga ba ang gagawin niya kung sakaling totoo na may karelasyon akong iba. “Handa ako maging kriminal para sayo, hon. Wala akong pakialam kung magbayad ako ng malaki para lang pagtakpan ang krimen na gagawin ko. Basta mabawi lang kita, gagawin ko ang lahat.” Hindi ko makitaan ng pagbibiro si Jasper sa mga sinabi niya. Kinilabutan ako at nakaramdam ako ng takot para sa matalik kong kaibigan. Napaka seryoso kasi ni Jasper at sa itsura niya, talagang totohanin niya ang sinabi niya kapag bumuo ako ng pamilya sa iba. Ayaw ko naman ng dahil sa akin maging kriminal ang tatay ng anak ko at mawala sa akin ang matalik na kaibigan ko. “Kaya kung ako

