MULING MAGING AKIN Chapter 9: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – “Aba'y oo naman po sir! Ikaw pa ba ang hindi pwede eh isa ka sa mag-sponsor sa kasal namin. Hehe. Dito ka sir.” Hinila ni Virgilio ang upuan sa katapat ko. Hindi ko alam kung wala na ba talagang iba na pwedeng pwestuhan o sinasadya talaga niya na doon pa pwestuhin sa harap ko ang ex-husband ko. Naramdaman ko ang pag-upo ng isang nilalang sa harapan ko, hindi naman sa assuming ako pero parang nakatingin siya sa akin. Bahagya kasi akong nakayuko dahil kinakalikot ko ang cellphone ko. Napangiti ako ng mabasa ang message ni Zanyca. “Mommy, lolo teach me how to catch a fish. I'm so happy ‘cause I caught a big fish, they called it tilapia and lolo catched some crabs. It's so nakakatakot, my gosh!” Na imagined ko na ang itsura niya

