MULING MAGING AKIN Chapter 96: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Ahm Sven, napadaan lang si Sir Jasper dahil may pupuntahan siya. Nagkataon lang na nakita ko siya dito. Sige na, magbihis ka na muna sa loob. ” Kabado kong sabi. Pasimple kong sinisenyasan si Sven gamit ang mga mata ko na umalis na pero ang loko ngumisi lang! Alam ko na nasa isip ng lalaking ito, aasarin na naman niya si Jasper. Hayy talaga naman! “Tulungan mo ako mag bihis, babe. Ang sakit pa kasi ng pilay ko eh.” Hindi ako mapanakit na kaibigan pero ngayon parang gusto ko i-untog sa pader si Sven. Mapapahamak ako sa ginagawa niya! Ugh! Tiningnan ako ni Sven na may nakakalokong ngiti sa labi bago tumingin kay Jasper na may halong pang-aasar. Kinabahan ako ng tumuwid ng tayo si Jasper mula sa pagkakasandal sa p

