MULING MAGING AKIN Chapter 72: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Ilang oras din ako nakatulog. Pasado alas kwatro na ng hapon, tama lang pag-alis ko ng bandang ala-singko, hindi na gaano mainit. Tinignan ko ang cellphone ko, wala akong natanggap na kahit anong mensahe sa kasintahan ko. Napaka importante siguro talaga ng meeting nila. Nag message naman ako sa kanya kaninang tanghali para paalalahanan siyang kumain na. Eyyy, maalalahanin girlfriend yarn? Nagsuot lang ako ng simpleng puting t-shirt, high waist pants at white sneakers na humuhulma sa malaki kong balakang. Nilabas ko ang mga gamit at sinigurado na naka-lock na ang unit ko. Nag-aantay na kasi sa baba ang sasakyan na nirentahan ko. Tinulungan naman ako agad ng guard pagka kita sa akin na may dalang mga maleta. Baba

