MULING MAGING AKIN Chapter 98: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Hindi ka ba papasok?” Tanong ko sa asawa ko habang sinusuklay ang buhok niya. “Talaga, pwede?” Umangat ang ulo niya mula sa pagkakasandal sa ibabaw ng dibdib ko at nag niningning ang mga mata. Pinaningkitan ko naman siya ng mata dahil iba ang intindi niya sa tanong ko. Narito pa rin kami sa sala, nakahiga ako sa sofa at siya naman ay nakadagan sa akin. Ang pisngi niya ay nasa dibdib ko. “Sa trabaho ang tinutukoy ko po, Mr. Smith. Wag kang mali–.” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng patahimikin ako ng asawa ko gamit ang bibig niya. “Shhh… you and your mouth.” Inirapan ko siya. Akala niya siguro hindi ko napapansin na kanina pa parang bakal sa tigas yung ano niya. Wag kang malisyoso naman kasi ang dapat sasabihin

