MULING MAGING AKIN Chapter 79: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Sven? Zabrynna?” Mahinang wika ko sa sarili. Pinagmasdan ko silang mabuti at mukhang napaka seryosong bagay ang pinag-uusapan nila. Hindi ko na lang sila inistorbo pa at hinayaan lang sila makapag-usap. Hindi naman na sila mga bata pa, alam ko naman na alam nila ang ginagawa nila. Hindi ko alam kung tama ang hinala ko sa kung sino ang ama ng pinagbubuntis ni Zab kaya balak ko kausapin ng masinsinan si Sven. Hanggang ngayon kasi ay tikom ang bibig ni Zabrynna tungkol sa pagkatao ng ama ng anak niya. Tahimik na lang akong umalis at pumasok sa loob ng bahay. “Wife?” Nagulat ako ng marinig ang husky at inaantok na boses ni Jasper. Nakalimutan ko na nasa kabilang linya pa pala siya. Tumingin ako sa paligid, mabuti na l

