MULING MAGING AKIN Chapter 18: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Kilala mo siya?” Nagtataka na tanong ni Sven. “Not really. Kamukha niya kasi ang nakilala kong baliw habang nasa byahe ako galing Batangas.” “Good morning, mr. Tan. Siya nga po pala si sir Dax Yago Walker. He’s the cousin of the chairman of RJAZTC, pinadala siya ni sir para pansamantalang mag-supervise sa project.” Pakilala ni mr. Valle. “Good morning, mr. Walker. I'm Sven Tan, CEO of WEC.” Nakipag-kamay si Sven pero hindi ito inabot ng hambog na lalaki. Ano nga ulit pangalan niya? Daks Kwago? Parang ganun yung tunog eh. Presko naman itong tumayo at humarap sa amin. Binaba niya ang suot na shades at nakangising tumingin sa akin. “Hello, crazy old lady. Long time, no see. Baka sabihin mo naman sinundan kita

