MULING MAGING AKIN Chapter 12: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – Ring… Ring… Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. “Hm…” “Anong hm… ? Papunta na ako diyan. Susunduin na kita. Don't tell me lasing na lasing ka?” Dinig ko na sermon sa akin ni Sven. Wait… Hala… s**t!!! Bigla ako napa-upo sa kama at tumingin sa tabi ko. Tinuktukan ko ang sarili ko sa kagagahan na ginawa ko na naman. Lagi talaga ako nakakagawa ng katangahan kapag involved ang alak. Pilit ko pinipigilan ang sarili ko makalikha ng ingay para hindi magising si Jasper. “W-wag na. Nakiusap kasi si Jane na mag-stay pa ako kahit saglit. Pumayag na lang ako para hindi naman magtampo.” Pabulong lang ako nagsalita. “Eh bakit parang nabulong ka?” Mala-imbestigador na tanong ni Sven. “May roommates kasi ako, nakakah

