Hendrix (POV) Kinakabahan ako na pinindot ang play ng video. Habang pinapanood ko hanggang matapos ay nakatulala lang ako sa screen ng aking cellphone. Ayaw tanggapin ng utak ko ang aking nakita. Bigla kong niluwagan ang kurbata ng suot ko ba suit. Halos hindi ako makahinga sa aking nakita, hanggang sa nagpasya ako na lumabas ng aking opisina dito sa bahay para maligo, pero sakto na kapapasok pa lang ni Glenda ng lumingon ako sa baba mula sa second floor nitong bahay. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko, nagmamadaling bumaba ako ng hagdan at hiniklas si Glenda. Kinulong ko ang babae na nasa gitna na ngayon ng aking dalawang braso habang nakasandal sa pader. Hinila ko ang peluka nito, sabay hila ng isa pa na suot niya. Nagdilim ang aking paningin na sinakal ang babae. “Anong plan

