Hindi talaga nagising si Loraine ng gabing ‘yun. Kaya hinayaan ko na matulog na lang, nagtanong ako sa mga kasambahay at kumain naman daw ng vegetable salad kanina bago umakyat kaya nakampante na ako na hindi sila magugutom ng baby namin. Kaya't ibinaba ko na lang ang tray ng natira ko na pagkain at bumalik muli ako sa pagkakahiga. “Good morning love!” Pagbati sa akin ni Loraine, nakaligo na din ako at ready na para pumasok sa trabaho. Ang aking asawa naman ay nag-aalmusal dito sa kusina. Hinalikan ko ito sa noo at sumabay na din ako na kumain. Pagkatapos ay nagpaalam na ako na papasok na dahil napakarami namin ngayon trabaho, tambak ang orders dahil ilang araw na lang ay Valentine's day na. “Aalis na ako love, ingat kayo dito ni baby ha?. H'wag kilos ng kilos at no to fast foods.”

