"Good evening ma." Pagbati ko sa aking ina na nakaupo sa sala at umiinom ng tsa'a habang nanunuod ng paborito niyang korean drama. Matanda na ang aking mama pero parang mas maligalig pa sa akin. "Doña Esmeralda, baka gusto mo na po magpahinga?, anong oras na at kinikilig ka pa d'yan, masama sa may mga edad ang mag puyat." "Hay nako anak, ikaw ang matulog at h'wag mo akong kulitin." Lumapit ako sa matanda at hinalikan ito sa noo sabay akyat ko sa aking silid. Kita ko naman na tumabi sa kanya ang dalawang kasambahay namin na ka edad ko lang na katulad ng aking ina ay adik din sa korean drama. Napapa-iling na umakyat ako sa taas sa aking silid at naghubad ng lahat ng aking suot na damit. Tinapat ko ang aking katawan sa maligamgam na tubig na nagmumula sa shower. "Woaaaah sarap!" Kusang

