Chapter Two

3232 Words
(Jace's POV) "Get the hell out of here." Malamig na sabi ko sa isang empleyada ng Dream Guys Hotel.  Bigla ba naman kasi akong inakit nito. Kami lamang kasi ang tao sa opisina ng hotel. At ang babaeng haliparot na ito ay bigla na lamang tumuwad sa harap ko. Kitang-kita ko tuloy ang panty niya. Napakakapal ng make up nito. Dinaig pa nito ang mga artista kung magmake-up. Sinasadya niya talagang ipakita sa akin ang pwetan niya. What the hell?! Kung si Red pa ang nandito tiyak na papatulan ito.  "Excuse me?" Nai-insulto niyang tanong sa akin. I smirked as I coldly stare down at her. Akala ko ay tinablan na siya ng kalamigan ko. Pero nilapitan niya pa rin ako saka iginapang niya ang kamay niya sa kaliwang braso ko. Nang-aakit na tiningnan niya ako. She licked her lips seductively. Pero wala akong nararamdamang kahit anong init sa katawan mula sa mga haplos niya. "Are you deaf? or just plain stupid? I said get the hell out of here."  I coldly said. "Jace, pinadala ako dito ng mom mo, to seduce you. Hindi ka ba talaga naaakit sa akin? Totoo ba ang rumor na bakla ka?" Nanunuya nitong tanong sa akin. Pinadala siya ni Mom? Impossible! Mom would never do that! Si Janelle Cassidy lang ang gusto nito para sa akin at wala ng iba. Ginagamit lang ba niya si mommy para pagtakpan ang kalandian niya? Bahagya ko siyang itinulak mula sa pagkakapulupot niya sa braso ko. Makapulupot kasi dinaig pa ang sawa.  "Don't dare to make a fool of me, woman. My mom would never do that. You know why? She already knows where my heart lies. Get the hell out of here! You're fired." I coldly smirk at her. Namumutla niya akong tiningnan. Saka pinagsalikop niya ang dalawang kamay. Habang may namumuong luha sa kanyang mga mata. Lumuhod ito sa harap ko. At dahil nakasuot ito nang low neck na damit mas nakita ko tuloy ang kanyang dibdib. Mas lalong uminit ang ulo ko sa nakita. s**t! What the hell is this brat even doing here? Itatanong ko sa HR Department kung sino ang nag-hire sa babaeng ito.  "Sir Jace, parang awa niyo na po. Huwag niyo po akong tanggalin sa trabaho." Nakikiusap nitong sabi sa akin. Tinalikuran ko siya saka ako humarap sa glass wall para pagmasdan ang asul na dagat. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Akala ko ay ang babaeng haliparot na ang umalis. Pero ng balingan ko ito ay si Jade ito. Nalilitong tiningnan niya ako at ang babae. "Miss naligaw ka yata. Hindi ito bar opisina ito." She flipped her hair. Matalim naman siyang tiningnan ng babae. Wala lang epekto kay Jade iyon bagkus ay nginitian niya lang ito ng nakakaluko. Saka tinanggal ang mamahaling sarong niya. Ipinulupot niya ito sa babae. "Who are you? What the hell are you doing?" Naiinis na sabi ng babae kay Jade.  Marahil ay hindi pa nito kilala ang kapatid ko. Hindi niya ito kaiinisan kung kilala niya ang kapatid ko. Napataas ang kilay ng kapatid ko. Saka pumamewang sa babae.  "Kuya, kailangan mo na akong isama sa mga interview mo at advertisement mo. Hindi kasi talaga ako kilala ng mga tao na nakapaligid sa iyo. Kanina napagkamalan pa akong tindera sa convenience store. My gosh naman! Itong ganda kong ito?" Madramang hinawakan ni Jade ang dibdib niya. Hindi ko napigilan ang pagngiti. Ito ang malaking pagkakaiba namin ni Jade. She always wear that brilliant smile on her face. Kahit gaano pa kalaki ang problema niya sa mundo ay nakukuha pa rin niyang ngumiti. "Don't worry, little sis. I take you on my next shoot." Napapailing na sabi ko sa kanya. Napanganga naman ang babae habang nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni Jade. Hindi siguro siya makapaniwala na kapatid ko si Jade. Jade is indeed beautiful but not a fashionable type. Okay na kasi sa kanya kung anuman ang isuot niya. Wala man lang effort sa pagpili ng susuotin niya. "What? She's really your sister? But she look like----"  Hindi na nito natapos ang sasabihin nang hilahin ni Jade ang braso nito. "Sige! Ituloy mo! Tatamaan ka talaga sa akin. Anong problema sa suot ko? Okay na ito no? Kaysa naman diyan sa suot mong kinapos ng tela! Bwisit! Lumayas ka nga dito. May sasabihin ako sa gwapo kong kuya." Pagtataboy niya sa babae. Napaismid lamang ito saka padabog na isinara ang pinto. Nakapamewang lamang na ito habang nakatingin sa akin. Pagkatapos ay bigalang tumamis ang ngiti nito. "Kuya! Kumusta ka na? Na-enjoy mo ba iyong beauty rest mo kahapon. Dala ko nga pala iyong mga kailangan mong pirmahan." Nakangiting sabi nito saka halungkat sa dala niyang brown envelope. She slowly walk to me. Napansin kong para siyang may iniinda. Paika-ika kasi itong maglakad. Umupo siya sa kaharap kong silya. Napilitan na din ako swivel chair kahit na medyo nag-aalala na ako sa kanya.Pero baka naman napagod lang talaga ang kapatid kong ito. Kung kasipagan lang ang pag-uusapan. Nangunguna si Jade dito. Paano ba naman kasi, kahit sobrang busy siya sa career niya bilang writer. Nagagawa niya pa rin tumulong sa kompanya.  "Jade, baka naman pati ikaw walang pahinga. Balita ko ay kagagaling mo lang din sa magtravel para sa isusulat mong nobela." I gently tap her forehead. Pansin ko rin kasi na maputla si Jade kaya naman sinalat ko ang noo niya. May lagnat nga ito. Tama ang hinala ko. Pinalis niya lang ang kamay ko saka ngumiti sa akin ng matamis. "Ano ka ba kuya? Okay lang ako no? Simpleng lagnat lang ito. At saka ako pa ba? Kaya ko to." Masigla niyang sabi sa akin. "Siguraduhin mo lang, Zachira Jade! Kapag nalaman ko lang na na-ospital ka dahil sa sobrang pagod. Tutuluyan kita." Pabiro kong sabi sa kanya. "Grabe ka kuya! Ang harsh mo naman. Okay lang talaga ako, promise!" Natatawa nitong pahayag saka iniabot na sa akin ang mga dala niyang papeles. Tumikhim lamang ako at binasa ang mga papeles Maya-maya pa'y. napansin kong tumayo siya sa upuan saka paika-ika na naglakad sa sofa ng opisina. Agad itong humilata doon. Saka ipinikit ang mga mata. Napagod nga siguro sa biyahe niya. Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng mga papeles. Napamura ako nang bigla siyang magsalita. "Siya nga pala, kuya. May mahalagang tao sa buhay mo ang darating dito sa susunod na araw. Kailangan kong matulog ng mahimbing ngayong gabi kasi susunduin ko siya bukas. Pwede ko bang mahiram iyong chopper bukas ng madaling araw?" Masayang pagbabalita nito sa akin. Mahalagang tao? Sino naman kaya iyon? Baka naman si Daddy lang. May nakalimutan siguro. Nasa Singapore kasi si dad para i-meet ang isang napakahalagang kliyente. "Sure, do what you want, Jade. Bumalik ka lang agad. Kasi kailangan din namin ang chopper."  "Babalik kaagad iyong chopper kasi papahatid lang ako. Gusto kasing mag-roadtrip ng bruha e! Kaloka!" Nagrereklamo niyang saad. Hindi ko na sinagot ang litanya niya kaya naman inintindi ko na lang ang binabasa kong papeles saka pinirmahan ito. [JANELLE'S POV] " Nice place!" tanging naisambit ko nang makapasok ako sa malaparaisong lugar na iyon. Naengganyo na kaagad akong ilibot ang paningin ko sa lugar na iyon. Entrance pa lang ng resort ay tanaw mo na kaagad ang asul na karagatan. At mararamdaman mo ang sariwang hangin na nagmumula sa karagatan. Tanghali na mula nang makarating kami dito. Kung bakit ba kasi andaming pasikot-sikot ng resort na ito. Ang layo nga naman nito dahil kagabi pa kami bumibyahe ni Jade papunta dito. Akala ko nga nasa Sulu pa ang resort na ito. Mabuti naman pala at nandito na kami. Nag-roadtrip kasi kaming dalawa ni Jade kaya naman uminit na iyong pwet ko sa kakaupo. Saka lang kasi kami tumatayo kapag kailangan naming kumain at magbanyo. Gusto ko kasing pagmasdan ang mga tanawin dito sa Pilipinas kaya naman napagtripan kong mag-roadtrip. Salitan din naman kami ni Jade ng pagmamaneho kaya naman hindi na siya nagreklamo pa. " Ganda di ba?" may pagmamayabang pang wika ni Zachira Jade o mas madalas tawagin na "Jade". Siya ang kapatid ni Zach. Close kami dati pa. She was a famous romance novelist of our country today. Hindi ko nga akalain na ang mga pinapabasa lang niya sa akin dati ay pocketbooks na ngayon. Hindi lang iyon, maging sa mga websites ay naroon din ang story niya. Di ba? Sikat na masyado ang bruha! Mahilig kasi talaga siyang magsulat noon pa at ako ang naging unang reader niya. She always calls me "ate". Parang kami nga ang tunay na magkapatid. Dahil kami ang close. Sina Zach at Carlisle naman ang close dati pa. Kanina ko lang pala nalaman ang kalokohang ginawa ng kapatid kong si Carlisle. Kasali pala siya sa owner ng resort na ito. Hindi ko nga alam kung anong air pollution ang pumasok sa utak ng kapatid kong iyon. Pero okay na rin at least may ginagawa siya. Kaysa naman mag bulakbol siya sa buhay. "Oo, may isip din pala ang kapatid ko nang makisali siya sa kabulastugan ni Zach." Nilingon ko siya. "Ate, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin makalimutan ang ginawa ni kuya ten years ago." nalulungkot na tanong ni Jade sa akin. "Please, wag muna natin pag-usapan ang impaktong kuya mo. Kasi naiinis ako. Nakakasira ng mood." Naiirita kong wika. "Okay, halika ipapasyal kita." wika na lang niya saka hinila na niya ako. Dinala niya ako sa kung saan ba iyon. Tinatawag daw iyon na wishing fountain. Maganda ang pagkakagawa ng Wishing Fountain na ito. Marmol ang pagkakagawa. At malinis palagi ang tubig na nasa loob nito. Wala kang makikitang dumi sa wishing fountain. Pero teka nga? Naniniwala ba sina Zach at Carlisle sa wishing fountain? Sa pagkakaalala ko, ang sabi ni Carlisle para lang daw sa mga bata ang mga fairytale like this. At si Zach naman, never mind. Natigil ako sa pagmumuni-muni nang kalabitin ako ni Jade. "Mag-wish ka ate. Magkakatotoo iyan." Excited na wika nito. "Talaga? Di nga?" namamangha kong tanong. "Oo nga ate. Promise." Itinaas pa ni Jade ang isang kamay. Habang ngiting-ngiti siya sa akin. Hindi naman ako naniniwala sa mga ganito. Kaya mas maganda siguro kung lalayas na lang kami. At nang makapaglibot pa ako sa resort na ito. "Umalis na nga tayo." Siya na ang hinila ko. Pero ang nangyari, ako ang hinila niya papunta sa kotse niya. Pinapasok niya ako sa kotse niya. Saka naman siya pumwesto sa driver's seat. Lumingon siya sa akin. "Puntahan natin iyong building nila. Doon natin makikita ang crush ko at inspirasyon ko." Weird ang babaeng ito minsan dahil isa siyang romance novelist. At malamang ang lalaking tinutukoy nito ay ang pinaghuhugutan nito ng inspirasyon sa pagsusulat. Sige na nga. Sasamahan ko na lang ang babaeng ito. Pagbibigyan ko na ang kapritso nito. Sabagay, matagal din kaming hindi nagkita nito. " Saan naman iyon?" tanong ko. Ngiti lamang ang isinagot niya sa akin. I wonder kung malayo ba ang pupuntahan namin? Pero mga ilang liko lang yata iyon at heto. Bumulaga sa harap ko ang napakataas na building. Sa tantiya ko ay mga 15 ang taas niyon. Lumabas na kami sa kotse. Nabasa ko ang pangalan niyon. Paradise Haven. Pangalan pa lang mukhang napakapayapa na. Hinila niya ako doon sa tabi. "Ate, magtago tayo." Tapos dumaan kami sa medyo madilim na bahagi. Hindi ko alam kung bakit kailangan naming magtago dalawa. May lalapa ba sa amin kapag nakita kami? Ewan ko kung anong kalokohan tong pinaggagawa nito. May balak ba itong takutin ako. Takot ako sa dilim. Anak ng teteng naman oh. "Jade, please kung balak mong takutin ako katulad ng dati. Please wag mong gawin." babala ko sa kanya. "Ate hindi, may secret akong daanan dito." wika niya na nakangiti. Sekretong daanan? Ano bang kalokohan itong naiisip nitong babaeng ito? Trying hard talaga makita ang crush niya? Malala na siya. Ano bai tong lugar na ito? Masyado bai tong sagrado para hindi kami pwede dumaan sa main gate nito? Napailing na lang ako. Habang patuloy pa rin akong nakabuntot sa kanya. Kailangan ko siyang sundan kahit ayaw ko para na rin sa sarili ko. Mamaya niyang maligaw pa ako eh. Para kasing underground tunnel itong napasukan namin. Hindi ko nga alam kung paano niya natunton ang daanan na ito. Sabagay, kapatid nga naman niya ang isa sa may-ari ng resort. Natigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang bumungad sa amin ang isang pintuan. Namangha na lang ako nang makapasok kami sa isang opisina yata. Nagtatago kami sa mga dahon. Medyo maalikabok pa. Nasa likod kami ng isang table. Mukhang irerenovate pa ang opisina na ito, kaya napakaalikabok pa. Unti-unting sumilip si Jade sa bintana na salamin. May sampu yatang lalaking nasa loob niyon. Halatang importante ang pinag-uusapan. Hindi ko sila masyadong makita dahil si Jade lang naman talaga ang sumisilip ng sumisilip. Nasa likod lang niya ako. Habang pinagmamasdan ang paligid. May isang libro na nakakuha ng atensyon ko. Teka nga! Iyon ang paborito kong libro. Bakit nga ba hindi ko magiging paborito iyon? Iyon kasi ang ibinigay ni Zach sa akin noong mga bata pa kami, sa mismong birthday ko. Pero ang naaalala ko, ibinalik ko ito sa kanya. Ilang araw bago pa ako pumunta sa Amerika. How come na nandito ito? Ibig bang sabihin nito. Tinago niya iyon nang pagkatagal-tagal. Alam kong iningatan talaga iyon dahil nakabalot ito sa plastic cover at hindi din iyon maalikabok gaya ng ibang gamit na narito. Gumapang ako upang makumpirma kung sa akin nga ito. May pangalan kasi ito sa gilid. Na J.C. Torrez. Nang makalapit na ako dahan-dahan ko iyong kinuha. Parang may gumuhit na kakaibang saya sa puso ko nang malaman kong sa akin nga ang libro na iyon. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako. He kept it all these years! Sa pag-iisip ko ng kung anu-ano natabig ko ang isang vase at nahulog ito sa sahig. Napalingon silang lahat sa opisina na pinagtataguan namin. Gusto kong tumago pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Oh my! Biglang bumukas ang pinto. At isa-isang pumasok ang mga kalalakihang nagme-meeting kani-kanina lang. Saglit akong namangha sa mga nakikita kong nilalang. Nasa langit na ba ako? Puro mga anghel na yata ang nakikita ko. Anak ng teteng! Parang sinalo na nilang lahat ang kagandahang lalaki. Ang gagwapo ng mga nilalang na ito. " Sorry, My Mistake." wika ko saka nginitian silang lahat. Hindi kaagad sila nakapagsalita. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa. Teka nga, ginagahasa ba ako ng mga ito sa imagination nila? Aba! Hindi pwede iyon! "Ate, what have you done? Patay tayo kay kuya Jace." Parang nahihintakutan na wika ni Jade. Ipinikit ko ang mga mata ko. Baka nananaginip lang kasi ako? Pagmulat ko! Anak ng teteng naman oh! Hindi ako nananaginip. Totoo nga ang nakikita ko.Tiningnan ko ulit ang mga nagagwapuhang nilalang. Lumapit sa amin ang isang lalaki. Tapos tinitigan akong maigi. Oh, there he is. The famous Zachary Jace Madrigal. He's tall, mga 5'10 yata ang height nito. Makakapal na kilay na pinarisan ng Hazelnut brown niyang mga mata. Matangos ang kanyang ilong. At pink na kulay ng kanyang mga labi ang nakakapagpadagdag ng kanyang appeal. At bakit napakakisig na niya ngayon? Hindi naman siya masyadong makisig sa t.v ah! Napatingin na lamang ako sa kabuuan niya. Biglang nakaramdam ako ng kaba na hindi ko maintindihan. Siya nga ba talaga ito? "Jade, ano na namang kalokohan ito?" Tanong nito kay Jade. Halata ang pagkaarogante sa pagtatanong sa kapatid. "Kuya, sorry." Panghihingi ng tawad ni Jade. Halatang natatakot sa nakakatandang kapatid. Kaya naman, hinarangan ko si Jade. At diretso siyang tintigan sa kanyang mga mata. At last, we meet. After ten long years. Gwapo pa rin ito at medyo naging malaki ang katawan nito. Naging buo din ang boses nito. Na parang nakakatakot gaya ngayon na medyo nagtaas ang boses niya. Napakunot ang noo niya nang harangan ko si Jade. "And who do you think you are? Kinakausap ko ang kapatid ko. Tumabi ka diyan." inis na wika nito. Bakit ganito magsalita ang impaktong original? Malaking question mark ang nasa isip ko. Hindi naman kasi siya ganito noon. Oo, sinaktan niya ako pero mabait siya dati at mahinahon magsalita. Anong nangyari at nagbago siya ng ganito? "Ano pang hinihintay mo? Sagutin mo ang tanong ko." Medyo napataas ang boses niya. Parang gusto ko tuloy matakot sa pagtatanong niya. Kakaiba kasi ang hitsura niya ngayon. Parang anytime kakain na siya ng buhay. Pero, bakit naman ako matatakot sa kanya? Ano siya multo para katakutan? "Pwede bang i-volume down mo iyang boses mo? Daig mo pa ang nakalunok ng microphone sa ginagawa mo. Akala mo naman pagkalayo-layo ng kausap mo. Nasa harapan mo lang naman." Nakangiti kong wika. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang hindi mautal sa pagsasalita. Para kasi akong kinakabahan ngayon. Natatakot ba ako sa kanya. Hindi siya kaagad nakapagsalita sa sinabi ko. Bakit kaya? Napansin kong napangiti ang mga kasama niya sa loob. Maya-maya pa, napangiti ako nang makita ko ang reaksyon niya sa sinabi ko. Kasing laki kasi ng buwan ang mata niya. Animo papatay siya ng tao. At alam kong umuusok na din ang mga ilong niya, parang bulkan na gusto ng sumabog. "Give her the punishment!" Galit na wika ni Zach na ikinakunot noo ko. Ano daw? Anong punishment? Makatanong na nga. Baka mamaya bigla na lang ako ipabitay nito. Mahirap na. "Wait, what's this punishment?" Takang tanong ko sa kanya. "Kuya ako ang may kasalanan. Dinala ko siya dito kaya ako ang parusahan mo." Sabat ni Jade na nasa likuran ko. "Bakit kasi nagpaloko ka sa Stalker ko? Anong ibinayad niya sa iyo para dalhin mo siya dito sa private building?" galit na galit na wika nito. Ano daw? Stalker? Mukha ba akong stalker? Ang yabang naman ng lalaking ito. Kala mo kung sino. Anong akala niya sa sarili niya? Kung dati nagustuhan ko siya. Ngayon di na ako papa-apekto sa kagwapuhan niya. Ang lakas naman ng hangin nito sa katawan. Kulang na lang liparin siya nito. "Hindi ako stalker, Mr. ZACHARY JACE MADRIGAL! Sa ganda kong ito mag i-stalk kaya ako ng kagaya mo? Ang kapal din naman ng mukha mo no!" Naiirita kong wika. Naku ako talaga'y pipigilan dahil baka makapatay ako ng tao. Naku! Kung hindi ko lang talaga ito kababata, babanatan ko talaga ito. Napakunot ang kanyang noo na akala mo 40 anyos na. Hinablot niya ang braso ko. "Sino ka ba para utusan ang kapatid kong dalhin ka dito?" galit na tanong nito. Sinalubong ko ang titig niyang nagbabaga sa galit. Inutusan ko ba si Jade? Aba! ginagalit ba talaga ako ng impaktong original na ito? Baka gusto nitong maging tiyanak? Ang lakas naman ng hangin nito. Mas malakas pa yata sa ipo-ipo. "Unang-una, hindi ko siya inutusan na magpunta dito. Pangalawa, ngayon nga lang ako nakapunta sa lugar na ito. Pangatlo, hindi ko alam na private pala itong building mo." mahinahon kong wika. "Ate JC" Narinig kong wika ni Junelle Carlisle. Napalingon kami sa pinto nang may tumawag sa nickname ko. Nabitiwan ako ni Impaktong Original saka takang tinitigan ako. Tila sinisigurado kung totoo ba ang sinasabi ng kapatid ko. "Carlisle" ang tawag namin sa kanya. Mukhang kakarating lang nitong brother ko mula sa kung saan dahil nakita kong galing siya sa pinto. Sinugod agad ako ng yakap ng kapatid kong na-miss ko rin naman. Ginantihan ko siya ng yakap. Nami-miss ko talaga ang brother ko. Nakita ko ang reaksyon ng impaktong original. Ewan ko kung matibay ba ang panga niya dahil talagang nakanganga siya na parang hindi makapaniwala. It means, hindi niya ako nakilala? Seriously? So, kinalimutan na talaga niya ang babaeng binasted niya? Bakit ganoon, parang gusto kong magdamdam? Tumigil ka Janelle hindi panahon ngayon para magdrama! Bulong ng isip ko. "Cassidy?" Hindi makapaniwalang sambit ni Zach sa pangalan ko. Habang tinitingnan niya ako ng Mabuti. Tila sinusuri niya kung ako nga ba talaga ang babaeng sinaktan niya ten years ago. Nginitian ko siya ng sarkastiko. Saka ako ngumiti ng napakatamis. Tingnan ko lang kung hindi ka mahulog sa alindog ko. Mas lalo pa yatang nadagdagan ang galit ko sa impaktong original na ito. Ang sama na pala ng ugali. Tama na sigurong tawagin ko itong Demonyo. Pero mas bagay sa kanya ang impaktong original. Para mas unique, di ba? "Yes, it's me Zach. Nagulat ka ba? Oh, sorry to surprise you kahit na di ko rin inaasahan na magkikita tayo dito." Nginitian ko siya ng matamis. Inilapit ko ng husto ang mukha ko sa kanya. "How are you my childhood friend?" tanong ko pa. Looking straight at his hazelnut brown eyes. Lihim akong nagbunyi nang mapansin kong napalunok siya. Ibig sabihin lamang noon, tinablan siya ng pang-aakit ko. "O-ok lang. Akala ko stalker kita." Ngumiti sa akin si impaktong original. Bigla na naming rumagasa ang pintig ng puso ko. Oh my! Ano bang nangyayari sa akin? Parang ako pa yata ang napaso sa sarili kong apoy. Bakit nga ba napakagwapo niya yata sa paningin ko ngayon? There are still hunks staring at us. Ngunit, bakit sa kanya lang ako nakakaramdam ng ganitong kaba? Bakit ba kasi napakagwapo niya hanggang ngayon? Pero teka nga, inaamin ko ngang napakagwapo niya ngayon ngunit masama naman ang ugali. Oh, come on, kahit gaano pa siya ka gwapo sa paningin ko ngayon. Galit pa rin ako sa taong ito. "Well, nagkamali ka Zach. By the way, I'm leaving." Paalam ko sa kanya. Saka ko lamang inilayo ang mukha ko sa kanya. Mahirap na! Tinalikuran ko na sila. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito. Ayokong makasama ang impaktong original na iyon. I hate every minute na makikita ko siya. Nakakatuyo ng dugo! Paradise Haven is the den of that terrifying creature! Kasama ng mga kaibigan niyang kalahi din niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD