[ Janelle's POV] Isang buwan makalipas ang pangyayaring iyon. Hindi ko na muling nakita si Zach. Bakit kaya hindi na siya nagpapakita sa akin? Anong problema niya? Nakalimutan mo na ba? Ikaw ang problema nun. Sukat ba namang ipahiya mo siya sa buong Pilipinas! Sabi ng isang bahagi ng isip ko. Oo nga pala ako nga pala ang dahilan kung bakit ni hindi na siya nagagawi sa resort. Pero ba't ganito nararamdaman ko? Bakit parang may kulang na sa buhay ko? Siguro naninibago lang ako dahil wala ng nang-aasar sa akin. Baka ganoon na nga. Narito ako sa resort ngayon. As usual, nasa bakeshop ako. Nakapangalumbaba lang ako dito habang nagmumuni-muni tungkol kay Impaktong Original. Bakit ba kasi kahit anong pilit ko, hindi ko siya makalimutan? Ako naman ang nambasted di ba? Dapat nga nagpapa-piyest

