Sebastian pov Pansin 'ko lang, this past few days hindi yata nangungulit si Mommy. Mabuti naman. Dahil wala akong oras sa mga trip niya. Masyado na akong nacu-curious sa nagpapadala ng flowers kay Lui. Mas dumadalas kasi ngayon. Halos araw-araw na. Pero gaya ng mga naunang bulaklak, itinatapon niya pa rin ang mga ito. Hindi niya alam na alam 'ko ang tungkol dito. Kahit na sa labas pa lang ng bahay itinatapon niya na ang mga ipinadadalang bulaklak sa kanya. And I dont get her. Bakit niya itinatapon? 'Yung ibang mga babae kinikilig pa kapag nakaka-tanggap ng bulaklak. Pero siya mukhang naiinis pa siya. Kaya niya itinatapon ang mga bulaklak. Kilala niya kaya kung sino ang nagpapadala sa kanya ng bulaklak? 'Yung lalaki na kausap niya kaya sa coffee shop? Haist! Ano bang nangyayari sa

