Chapter 12. A dad's jealousy

1254 Words
Sebastian pov I can see na tinutulungan niya akong makuha ang loob ni Colbie. Binibigyan niya kami ng oras at hinahayaan niyang mapag-solo kaming mag-ama. Pero ito namang anak ko masyado ng na-attach sa kanya. Minsan parang mas gusto niya pa nga na kasama ang yaya niya kesa sa akin. Kahit kami ang magkasama siya ang bukambibig ni Colbie. And I'm trying not to lose my temper. "See? Mas close pa sa yaya niya ang anak mo." It's Mom. Tinotoo niya ang sinabi niya na imo-monitor niya kaming mag-ama. Kaya madalas siyang nandito sa bahay. "Tsk! Hindi ko nga maintindihan iyang apo ninyo, eh. Parang mas gusto niya pa iyang yaya niya kesa sa'kin." Salubong ang kilay na sabi ko. "Well, I guess she's doing a good job. Ngayon 'ko lang nakita na ganyan kasaya ang apo ko." Mom said while looking at them. Napatingin din ako sa dalawa. Nasa garden kasi sila at masayang naghahabulan. Parehong hyper. Kanina pa sila naglalaro pero parang hindi mga napapagod. And I can see that Mom is right. Ang saya-saya ng anak ko. It seems that he is really enjoying her company. Dinig na dinig sa buong bahay ang matinis na tawa nito habang hinahabol siya ng yaya niya at kapag nahuli ay kikilitiin siya. Na hindi pa namin nagagawa. And I'm jealous of her. Kasi sa maikling panahon nakuha niya ang loob ng anak ko. At nagagawa nila ang dapat na kami ang gumagawa. "Siguro naman ngayon na-realize mo na kung ano ang sinayang mo. Your precious memories with your child, son." Sabi ni Mommy na nakatingin sa'kin ng seryoso. "I know, Mom. I know how stupid I am." I admit it already to myself. "You know what, I guess she can be a better, Mom." Makahulugang sabi ni Mommy. While looking at Lui. "You think so?" Napa-angat ang mga kilay ko sa sinabi niya. "Yeah. Look at her." Mom. I look at her. Pero hindi ko yata makita ang nakikita ni Mommy. Because theres something about her na kakaiba. I dont see her as a normal woman. Basta pakiramdam ko talaga she is different. I'm looking at her, nang bigla siyang mapalingon sa gawi namin ni Mommy. At nang magsalubong ang mga mata namin... Woah! What was that? "Tatayo ka na lang ba riyan, anak? Bakit hindi ka makisali sa kanila?" Mom. "Mom! Why should I?" I exclaimed. "And why not? Paano kayo magiging close niyan ng anak mo?" Mom insisted. "Maybe some other time. When nobody's around." "Anong nobody's around ka riyan! Bilisan mo Sebastian lumapit ka na sa kanila ngayon na! " Halos ipagtulakan na ako ni Mommy palapit sa dalawa. "Mom!" Angal ko naman. Kaya naagaw namin ang atensyon nila. "Alam mo anak makakatulong sa'yo si Lui. Kaya go! Lumapit ka na sa kanila. Colbie! Your dad wants to play with you." Sabi pa ni Mom. "Mom!" Saway ko kay Mommy. Pero hindi man lang ako pinansin. "Galingan mo anak, ha. Magpapahinga muna ako sa loob. I want improvement okay?" Saka tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay si Mommy. Napailing na lang ako. Si Mommy talaga. "Dad, you want to play with us?" tanong ni Colbie na nasa harapan ko na pala. "Hah? Ahm... Sige. Ano bang lalaruin natin?" Naiilang kong tanong. "Freesbie." Colbie. "Freesbie?!? Marunong ka na no'n?" Nakakunot ang noong tanong ko. "Yeah. Ate Lui teach me." Colbie answered. Oh! I remember. Kaya nga pala nabasag ang salamin sa may pool area. "Let's play?" Colbie asked. "Okay. Let's play freesbie." I smiled at him. At pumunta na kami sa medyo malawak na parte ng garden. Noong umpisa, para lang kaming napapasahan ng freesbie para makasabay si Colbie. Pero maya-maya, namalayan ko na lang na kami na ni Lui ang naglalaban. Habang si Colbie masayang nagchi-cheer. Para sa yaya niya. What the heck! Ako dapat ang chini-cheer ng anak ko at hindi ang yaya niya. "Ayoko na." Nawalan ako bigla ng gana. "Why, dad?" nagtataka na tanong ni Colbie. "It means Ate Lui, won? You won, Ate Lui! Yehey!" Tuwang-tuwang sigaw ni Colbie at yumakap pa sa yaya niya. Ang saya lang. Tuwang-tuwa pa siya. Talo na nga ang daddy niya. At ang isang ito hindi man lang nagpatalo. Pinahiya pa 'ko sa harap ng anak 'ko. Bakit ba ang galing niya sa freesbie? "Swerte lang siguro si Ate Lui today kaya nanalo ako against your dad." Lui said. Kaya napatingin ako sa kanya. "You think so?" Colbie asked innocently. Abat! Talaga naman. Wala ba siyang bilib sa daddy niya? "That's right. I can beat her next time." Sabi ko na lang. "Wait, palitan muna natin ang damit mo. Pawis na pawis ka na, oh. Tapos eat your merienda na," Lui said to Colbie. "Ako na ang magpapalit ng damit niya. Kunin mo na lang 'yung miryenda niya." Sabi ko saka kinuha kay Lui ang pamalit na damit ni Colbie pati na rin ang towel na pamunas nito ng pawis. "Okay, Sir." Tumalima naman ito. Pagkakataon ko na para masolo ang anak ko. "Pawis na pawis ka, ha. Baka ubuhin ka." Pinunasan ko ang likod ni Colbie na basang-basa ng pawis. "Ate Lui said, it won't happen. Basta raw po iinumin ko ang mga vitamins ko para raw maging strong ang immune system ko," Colbie said. "Yeah. That's right. Pero dapat hindi ka pa rin masyadong nagpapawis." Pinalitan ko na rin ang shirt niya na nabasa ng pawis. "Ayan. Okay na." "Ate Lui said it's okay. I'm a guy naman daw. Kaya it's okay na pagpawisan ako. Basta raw magpapalit agad ako ng shirt at hindi magpapatuyo ng pawis," Colbie said again. Ate Lui said. Ate Lui said. Lagi na lang Ate Lui! "Fine. Eat your merienda. I'll go inside the house muna." Tumayo na ako at dire-diretsong pumasok ng bahay. Nakasalubong ko ang yaya niya pero nilagpasan ko lang ito. I am so pissed off. Lui's pov Pabalik na ako sa kinaroroonan ng mag-ama nang makasalubong ko ang daddy ni Colbie. Tuloy-tuloy ito sa loob ng bahay at mukhang iba na ang timpla ng mood nito. Salubong na kasi ang kilay nito at nakakunot ang noo. Hmmm... Ano kayang nangyari sa mag-ama? "Colbie, here's your merienda. What happen? Bakit umalis ang daddy mo?" Tanong ko dito. "I dont know, Ate Lui." Inosenteng sagot nito. Mukhang wala nga itong idea. Bakit kaya biglang nagbago ang mood ng daddy niya? "Okay. Kumain ka na." Nakangiti kong sabi. Nagsimula na itong kainin ang merienda niya. Habang pinagmamasdan ko siyang kumain. Napapa-isip pa rin ako kung ano ang dahilan ng pagbabago ng mood ng daddy niya. May kinalaman kaya si Colbie? O,baka naman sa opisina? Pero wala naman itong hawak na telepono o laptop, eh. Sobra siyang nacu-curious, not knowing na siya ang dahilan ng pagbabago ng mood ng daddy ng alaga niya. Sebastian pov I'm here at my office. Mabuti na lang tinawagan ni daddy si mommy. Kaya wala ng magna-nag sa'kin. Nasira na talaga ng tuluyan ang mood 'ko. Paano naman mapapalapit sa akin ang anak ko, kung puro ang yaya niya na lang ang bida sa kanya. Dagdag pa sa pressure ang madalas na pagpunta ni Mommy dito sa bahay. To remind me of our deal. Eh, kung paalisin ko na lang kaya ang yaya ni Colbie? Para mas magkaroon ako nang pagkakataon na maka-bonding ito at mapalapit sa anak 'ko. The question is... Is that possible? Cohen07
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD