Lui's pov Pagkatapos nang pangyayari na iyon, pakiramdam 'ko palagi ng nakamasid sa'kin ang daddy ni Colbie. As if naman na any minute ay gagawa ako ng kapalpakan. Para mapaalis niya na ako. Tignan na lang natin kung mahanapan niya 'ko ng mali. "Ate Lui, where are we going?" tanong ni Colbie. Pinasundo kasi kami ng daddy niya. Kaya pagkagaling sa school ni Colbie ay binihisan 'ko na lang siya agad at saka kami umalis ulit. "Pupunta tayo sa office ng daddy mo. May pupuntahan daw kasi kayo," sagot 'ko sa tanong nito. "You're not going with us?" tanong ulit nito. "Hindi 'ko pa alam, eh. Tignan na lang natin mamaya, okay?" "Okay po." Ibinalik nito ang atensyon sa nilalarong Ipad. Maya-maya lang ay narating na namin ang building ng Del Valle Group of Companies. Pinapasok naman kami

