Lui's pov Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip 'ko 'yung nangyari sa parking lot ng mall. Bakit ba lagi na lang may hindi magandang nangyayari kapag nasa parking lot kami ng mall? Mabuti na lang tulog na sa kotse ng mga oras na 'yon si Colbie. Kaya hindi niya nakita 'yung nangyari. Kung hindi baka na-trauma na naman 'yung bata. Sino kaya ang siraulo na driver ng kotse na 'yon? Sa bilis ng pangyayari hindi namin pareho nakita ang plate number ng kotse. At mukhang nananadya namang sira ang cctv camera sa lugar na 'yon. May kinalaman kaya sa nangyari 'yung nagpapadala ng bulaklak sa'kin? I need to find out as soon as posible kung sino siya. Dinadamay niya na pati ang mga tao sa paligid 'ko. At hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanila. Sobrang natakot

