"You were always beautiful." Umalis ang tingin ni Deniah sa ginagawa at napanganga sa sinabi ng lalaki. Sa buong taon na kilala niya si Dark Arkel, wala itong ginawa kundi, asarin, pahirapan at insultuhin siya. He had never called her beautiful. Nagbisi-bisihan ito sa ginagawa sa harap ng kalan at nang magsalita ito ay casual ang tono ng boses. "Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Beautiful in the sense of sisterly. Nasaksihan ko ang mga pagbabago niyo ni Alana, hanggang kayo'y nagdalaga na. Neither of you are ugly. Or fat. I think you're being hard on yourself." Oo, naintindihan ni Deniah ang ibig niyang sabihin. Hindi siya nakikita niyo bilang isang ganap at magandang babae, kundi bilang isang nakakabatang babaeng kapatid na gumanda paglaki. Pinigilan niya ang sariling masaktan s

