Pagdating namin sa palaisdaan ay maingay na dahil apat na pishpond ang inaalisan ng tubig.
“That motor is to drain the water in the pond, so we can catch the fish easyly.“ Sabi ni uncle kaya napatango ako dito at napatingin sa paligid.
Bumaba kami ni uncle at tinawag nito ang isa sa matandang lalake na nagbabantay sa may makina na maingay.
Nairita ako sa ingay pero hindi ako pwedeng mag-inarte sa lugar na ito.
“Magandang umaga Tiago, Señorita Adielie.“ Bati ni Manong Ben na nakilala ko agad dahil asawa ito ni manang.
Binati rin ito ni Tiago at ngumiti lang ako at napakapit pa ako kay uncle pero hinayaan lang ako nito.
“Dala na ho namin ang almusal niyo.“ Sabi ni uncle dito kaya tinawag nito ang ilan sa kalalakihan at pinakuha ang pagkain sa likod ng owner ni uncle.
Napatingin ang iba sa akin kaya lalo akong napakapit kay uncle.
“Don't be afraid babe.“ Bulong nito kaya napatango lang ako.
Naiilang lang kasi ako kapag may nakatitig sa akin kaya napapakapit na lang ako kay uncle.
Dahil kanina pa daw pala ng mga ito tinanggalan ng tubig ang fishpond ay sakto na patapos na ito.
Inayos na ng mga ito ang pagkain sa isang kubo at mga walong kalalakihan yata ang mga nandito.
“Sit in the car babe, i will bring your food there.“ Sabi ni uncle kaya napatango lang ako.
Napansin kasi siguro nito na naiilang talaga ako sa mga tao na nandito.
Mga lalaki pa naman ang mga ito kaya lumakad na ako pabalik ng sasakyan.
Napatanaw ako sa paligid dahil magliliwanag na rin at pasikat na ang araw.
Malawak pala ang palaisdaan dito at sabi ni uncle ay bangus, tilapia, mga hipon at alimango raw ang alaga nila dito.
Ngayon ko lang nalaman na sagana pala sa mga yamang tabang ang hacienda, pwera pa sa mga pananim nila dito.
Nakabalik si uncle at binigyan ako nito ng isang plato, may sinangag, ensaladang talong, may kamatis at itlog na maalat at piniritong daing na bangus at may tinapa rin.
Kumain na kami at napapatitig pa sa akin si uncle dahil sarap na sarap ako sa pagkain.
Paborito ko kasi ang mga pagkain na ito at ito ang nami-miss ko kapag nasa Manila ako.
Kaya nage-effort pa noon si mommy na dalhan ako ng pagkain galing pa dito kapag naglambing ako dito.
Minsan naman ay nagluluto pa ito para sa amin kaibigan ko.
Dahil marami ang binigay nito ay hindi ko naubos ang pagkain ko kaya kinuha niya ito at ito na ang umubos.
“Malakas kang kumain.“ Sabi ko dito kaya napangiti lang ito at napatingin ako sa mga braso nito na bakat sa suot nitong jacket.
“I am a soldier babe, so we need more food to fill our body everyday.“ Sabi nito kaya napatango na lang ako.
Oo tama sundalo nga pala ito, napatingin ako sa mga braso nito na ang kaliwang braso ay may tattoo na halos sumakop na ng sa buong braso nito.
Matagal ko nang gustong itanong kung ano ang ibig sabihin ng tattoo nito pero nahihiya pa rin ako.
Nadudumihan kasi ako sa mga taong may tattoo pero nang makita ko si uncle na mayroon nito ay nawala ito pero para lang dito.
Bagay kasi ito dito, lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko. Lalo pa ang katawan nito na batak at may matigas na kalamnan at nakakabaliw na abs.
“Baka matunaw naman ako niyan babe.“ Sabi nito kaya napatingin ako dito.
Namula ako at napaiwas ng tingin dahil matagal pala ako na nakatingin dito.
“Ang gwapo mo po kasi.“ Sabi ko na lang kays natigilan ito at napailing.
“As i want to kiss you right now, hidni pwede kasi may mga tao.“ Bulong nito na nakita ko sa mga mata nito ang pagnanasa kaya kumilos ako para ikalma ang sarili ko.
“Ta-tama at saka amoy tinapa ang bibig mo.“ Nasabi ko na dito dahilan para tumawa ito ng malakas at napailing na lang.
“You silly woman.“ Sabi na lang nito at inayos na ang mga pinagkainan namin.
Uminom ako ng kape na natira ko pa at napangiti na lang habang tanaw ko si uncle pabalik sa kubo.
Another side of him that i unlocked is his funny side, marunong siyang magbiro at malakas itong tumawa.
Another pogi points for him.
Nang matapos na ang lahat kumain ay bumalik na naman sila sa trabaho nila, at dito ay lumiwanag na ng tuluyan.
May mga dumating na rin na mga bibili ng isda at dumating na rin ang iba pa na may mga dalang timba, mga asawa raw ito ng mga trabahador at masaya silang nagtulong-tulong para ihiwalay ang maliliit na isda sa malalaki.
May mga malalaking banyera rin at nag-enjoy lang ako sa panonood at lumusong na rin si uncle sa tubig at nakitulong na sa mga ito.
Kinukuhanan ko lang ito ng litrato at napakagwapo nito lalo kapag nakangiti.
Dito ko napagtanto na ito pa rin talaga si uncle mula pa man noon.
Walang nagbago dito at kitang-kita ko ang saya sa mukha nito habang nakikipag-usap sa mga kasama nito.
“Maswerte ang babae na mapapangasawa si Tiago, masipag na gwapo pa.“ Narinig ko na sabi ng isa sa mga babae di-kalayuan kung saan ako nakatayo.
“Aba tama ka naman mare, mayaman pa kung nasa tamang edad na ang aking anak ay ipapaasawa ko siya dito.“ Sabi naman ng isa na ikinakunot noo ko lalo at nainis sa mga sinasabi ng mga ito.
Walang mga delikadesa na may tao dito at ako iyon na naririnig ang mga sinasabi ng mga nito.
May mga pasaring rin sila sa aking ina na kesyo ganon o ganito, hindi man lang ginalang ang kamamatay ko lang na mga magulang.
“Tama ewan ko nga lang bakit hindi ko na nakita pa si Lineth.“ Sabi naman ng isa pa na napunta na sa malanding babae ang usapan nila.
So this is what it called marites means, mga tsismosa na akala mo ikinaganda ng mga ugali nila.
“Naku wag mo nang hanapin pa ang malanding iyon, naka-ban iyon dito sa hacienda.“ Sabi nang isa pa kaya napahinga na lang ako ng malalim at pinanood na lang ang mga tao na nagbabatak ng lambat.
Medyo lumayo ako sa mga ito dahil panay ang tingin ng mga ito sa akin.
Tila ba kinikilala ako pero hindi ko pinansin ang mga ito.
Nakasuot kasi ako ng jogging pants, naka-jacket at naka-sumbrero panlaban ko sa sikat ng araw.
Binigay ito sa akin kanina ni uncle para daw hindi ako mairita sa sikat ng araw.
“Ikaw ba ineng ay kaninong anak?“ Tanong ng isa sa kanila kaya napatingin ako sa mga ito dahil nakatingin ang lahat sa akin.
Dahil naiinis ako sa mga ito lalo na at kung magsalita ang mga ito ay over the belt na rin.
“I am the daughter of this place.“ Sagot ko sa mga ito at nagtanungan pa ang mga ito kung ano daw ba ang sinabi ko.
“Ako po si Adielie Santivañes.“ Muli kong sabi dito at nang mapagtanto ng mga ito kung ano ang sinabi ko ay tila napahiya naman ang mga ito.
Iniwan ko na ang mga ito at bumalik sa sasakyan.
Nakita ko na may mga bata sa sasakyan namin kaya lumakad ako papunta dito.
“Wag kayo dito maglaro.“ Sita ko sa mga ito na nagulat pa ng makita ako at agad naman na umalis ang mga ito.
May sinabi pa ang mga ito na napanting ang tainga ko kaya napairap na lang ako.
Alam ko naman na hindi nila ako kilala dahil hindi naman ako nagpapakita sa mga ito.
Pero nakakainis lang na may mga salita sila na over the belt na at hindi ko gusto ang tabas ng dila ng mga ito.
Nagulat pa ako dahil nandito na bigla si uncle na pawis na pawis at basa rin.
“Bakit ka umalis sa pwesto mo?“ Tanong nito kaya agad kong kinuha ang tuwalya at binigay dito.
“Ayokong makarinig ng mga marites.“ Sabi ko dito kaya napakunot noo ito at napatingin sa kung saan ako galing at nandoon pa ang mga kababaihan kanina.
“They don't ķnow me so its fine.“ Sabi ko na lang na bahagyang ngumiti.
“No babe, come on i will introduce you to them. So they can know you as the hieress of this land.“ Sabi nito kaya pinababa ako nito kahit ayaw ko naman.
Hawak ni uncle ang kamay ko ay bumalik kami sa umpukan ng mga trabahador dito.
“Everyone, manong, manang, ipinakikilala ko sa inyo si Adielie Santivañes. She is the owner of this land and the only heiress. Sana ho ay irespeto niyo siya katulad ng ginagawa niyo sa akin at sa yumao niyang mga magulang at lolo at lola.“ Ito ang malumanay pero mariin na turan ni uncle sa lahat ng nandito.
Nakita ko ang gulat sa mga mukha ng iba at ang iba naman ay agad akong binati.
Ang ilan sa mga kababaihan kanina ay tila napahiya dahil sa mga sinabi ng mga ito kanina.
Dahil ramdam ni uncle na hindi ako kumportable ay kung na saan ito ay nandoon rin ako.
Nawala na rin ang awkward kanina na alam ko ay naramdaman ng lahat dahil sa nakilala rin ako ng mga ito.
Humingi ng paumanhin ang ilan sa kanila kaya napahinga na lang ako ng malalim.
Sa huli ay muli akong nag-enjoy sa panonood kung paano manghuli ng mga isda sina uncle.