Chapter one

1809 Words
Mag-isa akong nandito sa isang sulok ng malaking bahay ni lolo at lola dahil kaarawan ng nakababatang kapatid ni daddy. Si Uncle Tiago na isa na rin na ganap na sundalo at hindi ito nag-aral dito sa Pilipinas kundi sa Amerika. Kaya ang kaarawan nito ay parang despidida na rin dahil mag-tatrabaho na ito roon. Hindi rin naman ito nakatira dito, nag-aral lang ito ng dalawang taon siguro at saka na muling babalik ng America after his birthday party. Mayaman ang pamilya ni daddy at may-ari sila ng malaking farm sa bansa. This is hacienda and we have so many produce here. Pero si daddy ay mas piniling magtrabaho sa Manila, bilang isang professor at syempre pati si mommy na isang professor rin. Tuwing may okasyon o birthday o kaya ay summer vacation namin ay umuuwi kami dito sa Bicol. “Bakit ka nandito ayaw mo ba makihalubilo sa kanila?“ Nagulat ako dahil biglang may nagsalita sa gilid ko at nakita ko si uncle kaya napalunok ako. Napaka-gwapo nito at laging nakangiti at mabait rin ito na prinsesa kung ituring ako. Ito lagi ang kumakausap sa akin sa tuwing nandito kami sa villa nina lola. “Ayoko sa maingay.“ Sabi ko na lang dito kaya tumawa lang ito ng mahina. “Gusto mo mamasyal mamaya o kaya bukas? Turuan kita mangabayo.“ Sabi nito kaya medyo na-excite ako kaya agad akong tumango dito. “Tiago tara na hinahanap ka nina Bryan.“ Napatingin kami kay Lineth na barkada nito kaya napairap ako ng lihim. Hindi ko gusto ang babaeng ito noon pa man, lagi itong nandito dahil anak ito ng isa sa mga tauhan ni lolo. Tila ba may lagi itong gustong ipahiwatig at ito ay ang ikasal sila ni uncle sa hinaharap. “Iwan na muna kita bukas maaga kang gumising okay.“ Bulong ni uncle kaya napatango lang ako dito at pinanood ko na lang ito na sumunod sa babaeng iyon. Si uncle ay ang pinakabunsong anak ni lolo at lola pero alam ng lahat na hindi nila totoong anak si uncle. Namatay raw ang mga magulang nito nong baby pa lang ito at si lolo at lola na ang naging magulang nito mula noon. Half amerikan, half pilipino ito at ang ina nito ay isang pinay at ang ama nito na amerikano ay anak ng matalik na kaibigan ni lolo. So cut the story short, hindi namin kamag-anak si uncle pero si daddy at ang nakatatanda pa nitong kapatid ay tinuring nilang totoong kapatid si uncle. “Naku bakit naman ang itim at ang payat ni Adielie?“ Tanong ng asawa ng kapatid ni daddy na pakialamera at hindi kasundo ni mommy at lola dahil sa pangit nitong ugali. “But she's still pretty right hija?“ Pagtatangol naman ni tito sa akin sabay kindat nito kaya napangiti ako at tumango. Nakita ko ang pagngiti ni mommy kaya lihim akong napabelat sa babae. “Naglalaro kasi ng volleyball si Adie at nasa initan sila lagi at kailangan na maging fit ang katawan nila.“ Sabi na lang ni daddy kaya lalo akong napangiti. Nakita ko na nakangiti lang din si Uncle Tiago, na nasa harap ko at maganang kumakain. My family loves me dahil nag-iisa akong babae, walang anak si tito at ang asawa nito kaya nag-iisa lang akong apo sa pamilya. So lahat ng affection at pagmamahal ng mga magulang ko at ng lolo at lola ko ay nasa akin lahat. In my mother side ay may mga pinsan ako pero puro lalaki sila kaya ako talaga ang prinsesa sa pamilya. Naging masaya ang huling bakasyon namin dahil huli na rin na makikita ko si Uncle Tiago. Hindi ko maiwasan na hindi magkaroon ng paghanga dito kahit ten years old pa lang ako. Pero crush lang naman ito at alam ko na bawal ito kahit alam ko na hindi kami magkadugo. But that was eight years ago already, marami nang nagdaan na araw, buwan at taon. Hindi na rin nakauwi si uncle dito sa Pilipinas dahil nasa Amerika na rin noon si lolo at lola at doon na rin ito nanirahan. Pero two years ago ay tuluyan nang namatay si lola dahil sa sakit nito and after a month si lolo naman ang sumunod. The reaaon why i didn't go to Amerika with my parents that day is because i have series of alergy and i have my important exam. Nasa hospital ako at nagpapagaling, hindi ko man lang nakita ang lolo at lola ko pero alam ko na naintindihan nila ito. Nawalan ako ng pagkakataon na makitang muli sa personal si uncle. Well alam ko na darating ang araw ay makikita ko naman ito ng personal, i am still hoping on that day to come. Napatingin ako sa cellphone ko dahil bigla itong tumunog at si mommy ang nasa caller id kaya agad ko itong sinagot. But i froze when i heard different voice, and i almost out of breath when they told me the bad news that i never want to hear. Nakatingin ako sa harap ng altar kung saan may dalawang kabaong na napapaligiran ng mga bulaklak. Nasa tabi ko ang tita ko na asawa ng nakatatandang kapatid ni mommy na umiiyak sa tabi ko. Ito agad ang nakauwi dahil lahat daw ay abala ang ibang kapatid ni mommy. Hindi ko magawang kumilos man lang dahil baka bigla akong matumba o ano pa ang mangyari sa akin. I can't get up, or even flinch a bit. Hangang ngayon ay napakagaan pa rin ng ulo ko, wala akong tulog at kain dahil nilalabas ito ng katawan ko. The doktor even got here this morning because i suddenly collapse. “My poor child, oh god!“ Iyak ni tita sa tabi ko habang hinahaplos ang likod ko. Paanong sa isang iglap lang ay makikita ko ang mga magulang ko na maagang nagretiro sa trabaho at masayang magkasama lagi. Si daddy na ang namahala sa hacienda at doon na rin sila tumira ni mommy sa villa. Habang ako ay nasa Manila at nag-aaral at graduating na ako isang taon na lang. Pero naaksidente sila tatlong araw na ang lumipas habang papunta sa bayan at akala ko ay mabubuhay pa sila dahil parehong minor injury lang ang natamo nila. Pero kahapon ay nagkaroon ng internal bleeding si daddy dahilan para ma-comatose ito at dineklara ng mga doktor na wala na ito pero ang pinakamasakit ay sumunod na rin si mommy. I did not even saw them, until they put them in the casket. Nagdesisyon na rin ako na huwag nang buksan ang kabaong dahil hidni ko kayang titigan sila. Naunawaan naman ito ng lahat kaya wala akong naging problema. Hindi ko na rin natanong pa kung sino ang nag-asikaso ng lahat. Napahawak ako sa dibdib ko na tila tumitigil sa pagtibok kada minuto. Isang komusyon ang narinig ko pero hindi ko ito pinansin pero may bigla na lang lumuhod sa harap ko dahilan para mapatingin ako sa isang lalaki na ikinalaki ng mga mata ko. “Adielie.“ Sabi nito na kinuha ang kamay ko pero napahagulhol ako bigla ng iyak kaya niyakap na ako nito ng mahigpit. I am only one now, all alone pero nandito si uncle at dito ko naramdaman ang sakit at sari-saring emosyon na kinimkim ko nong isang araw pa. “Ikaw na muna bahala sa kanya hijo, kami na ang bahala sa baba.“ Narinig ko si tita na binilinan si uncle bago lumabas dito sa kwarto ko. Nakahiga ako dito sa kama ko at hawak ng mahigpit ang kamay ni uncle na hindi ko na binitiwan kanina pa. “I am so sorry sweetheart kung ngayon lang ako dumating.“ Bulong nito mayamaya kaya muli akong umiyak at tinabihan ako nito sa kama at niyakap ng mahigpit. We just lay down in my bed and he just comporting me and telling me that everything is gonna be alright. Nang muli akong magising ay magaan na ang pakiramdam ko pero hindi pa rin lubos. Napatingin ako sa bintana na nasisinagan na ng araw sa labas. Tumunog ang tiyan ko dahil nakaramdam na ako ng gutom at napahinga na lang ako ng malalim. Dito bumukas ang pinto at pumasok si Uncle Tiago at kasunod si tita na may dalang tray na may pagkain. “Good morning, we brought you a food.“ Sabi nito na nilapag nito ang tray sa lamesa. “How are you hija? Nagpapasalamat ako at nakatulog ka rin sa wakas.“ Sabi ni tita na hinaplos ako sa pisngi kaya napatango lang ako. Iniwanan na muna kami ni uncle at inalalayan ako ni tita na magpunta sa banyo at para makapaghimalos at magbihis. Kahit wala akong malasahan sa pagkain ay kumain ako para makabalik ang lakas ko. Hindi ito ang tamang oras para magmukmok. I need to be strong for my dad and my mom, ayokong maging mahina dahil lang wala na ang dalawang tao na pinakamahalaga sa akin. Ngayon ko kailangan maging malakas lalo na at nag-iisa na lang ako. Tumulo ang luha sa mga mata ko pero pinahid ko lang ito, naramdaman ko si tita na hinaplos ako sa likod kaya tahimik na lang akong umiyak. Si uncle ang nag-asikaso ng lahat hangang sa huling lamay at burol ng mga magulang ko ay ito ang nag-asikaso. Maging ang pakikipag-usap sa mga kakilala at kaibigan ng pamilya namin na nakiramay sa amin. Dumating ang asawa ni tito ang nakatatandang kapatid ni papa na wala na rin three years ago pa. Tila ito may-ari nang dumating kaya hindi naging maganda ang pakiramdam ko. Naging maayos ang huling sandali ng mga magulang ko at nasa tabi ko lang lagi si uncle. Hindi ako nito iniwan at ito ang kumakausap sa mga taong gusto akong makausap para maghatid ng pakikiramay. Dahil hindi ko kayang harapin ang mga ito ay ito ang kumakausap sa kanila. Hinayaan lang ako ni uncle na magkulong sa kwarto ko, isang linggo matapos maiburol ang mga magulang ko ay dumating ang abogado ng pamilya namin. Si tita ay bukas na ang balik sa Amerika dahil doon na ito nakatira at ang ilan pa sa kapatid ni mommy. Bumaba ako kasama si tita at nasa sala na ang abogado, si uncle, ang asawa ni tito at ang pamangkin nito na hindi ko alam kung bakit nandito. Ang mag-ama si Mang Elpidio at si Lineth na kausap si Tiago at nasa tabi nito. Hindi ako umupo sa tabi ng pamangkin ng asawa ni tito at hinintay ko na umalis ang babae sa tabi ni uncle. Ako ang dapat na nakaupo doon sa tabi ni Attorney Clemente. “Let Adielie in your seat Lineth.“ Sabi ni attorney na alam ko na napahiya ito kaya lihim akong napaikot ng mga mata. Hinawakan ni uncle ang kamay ko at pinisil ito dahilan para makahinga ako ng maluwag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD