Tanaw ko sa malawak na bukirin si Terrence habang akay-akay nito Ang kanyang mga alagaing Hayup at isa Isang pinapastol Ang mga ito ilang metro Ang layong distansya Mula sa isa't isa para Hindi magkabuhol buhol Ang mga tali nila; mga baka, kambing at kabayo Ang interest nito Mula noon pa man.
Gustohin ko man syang turuan sa paghawak ng mga di mabilang na negosyong ipinamana sa akin ay ibinilin ko na lang ito Kay Donn dahil sya Naman Ang madalas kàsama nito.
Hindi pa man sumisikat Ang araw ay naroon na Ang aking kapatid.
Dala-dala Ang tasa ng kape sa kamay ko ay lumakad ako papunta sa kanya.
Masarap sa pakiramdam Ang hamog sa paligid at Ang mga basang Damo sa lupa. Matagal din akong Hindi nakakatapak sa mga iyon Mula nang mamalagi ako ng halos Sampung taon sa amerika.
"Basa pa ang Damo Terrence okay lang ba Yan sa mga kambing?".
"Oh kuya," saglit nya akong sinulyapan bago nagpatuloy sa pagbaon ng bakal sa lupa.
"Kain Muna tayo lalabas kami ni Donn mamaya," pagyaya ko sa kanya at inakbayan sya pabalik sa bahay sa di kalayuan. "Bibisitahin namin Yung tatayuan natin ng resort "
"Sama ako kuya,"
Nagulat man ay di ko mapigilang mapangiti ng bahagya dahil sa tinuruan nito.
Naabutan namin si Donn habang nagkakape at naka tingin sa tablet nya, Gawain na nitong I double check Ang schedule namin Ngayon Araw.
"Kuya next week pa daw idedeliver Yung chopper mo galing Germany,"
Kumamot ito ng ulo dahil mag a-adjust na Naman ito ng Oras. "Bumabagyo daw dun."
Gagamitin namin Ang chopper papunta sa ibang parte ng Pilipinas kung saan may mga projects pa kami. Priority ko Ngayon Ang pagpapatayo ng hotel at inn sa mga tourist spots ng Pilipinas dahil ito rin Ang gusto ng mga businesses partners ko sa US. Iwas na sa traffic at mas mabilis ay mas convenient Ang paglipad Lalo na sa mga tawid-dagat naming sites.
Kasalukuyan ko ding pinag-enroll sa aviation academy si Donn para sya na rin Ang magiging piloto ko kapag natapos nito Ang kinakailangang fligt-hours para makakuha ito ng lisensya.
"Tumawag si Alice kuya," naka ngising sabi nito sa akin.
Kung alam nya lang kung gaano ako muhing-muhi sa kanya Hindi nito babanggitin Ang pangalang Yun sa harapan ko.
"Mukang Patay na Patay sayo yun ah"
"Patayin ko Yun eh," mga salitang naka-takas sa isipan ko. Hindi ko man intensyon bigkasin Yun ay nagbago Ang ekspresyon ni Donn nang marinig Ang tinuran Kong mga salita.
Kabisado ni Donn Ang bawat galaw ko, Ang tono ng boses, ekspresyon at kahit tignan ko lang sya ay alam na nito Ang ibig Kong sabihin kaya't marahil nabasa nya Ang laman ng nasabi Kong Yun tungkol Kay Alice. Sigurado akong Mula non ay di na nito bibigkasin at magiging maingat ito kung tungkol Kay Alice Ang pag-uusapan namin.
Muling bumalik sa ala-ala ko Ang Galit ko Kay Alice at sa Ama nito.
Tila mas nasasabik Ngayon Ang mga kamay Kong sakalin ito sa kanyang leeg kesa sa mapang-akit nitong katawan.
Mas nangingibabaw Ang Galit ko kesa sa ala-ala ng Ilang Oras akong nakapaibabaw sa kanya habang hayuk na hayuk Kong binabayo Ang malambot nitong katawan habang walang mapaglagyan Ang ungol nitong umaalingawngaw sa aking pandinig.
Nagsisimulan na Ang pagtrabaho sa site pagdating namin.
At gaya ng inaasahan ko ay Hindi maiwasan ni Terrence Ang agad na pakikipag usap nito sa mga tao Doon habang kausap na ni Donn si Engineer, natutuwa akong Makita Ang kapatid Kong magaling makisama, siguradong gagaan Ang trabaho ng mga ito pag nalaman nilang walang kahambugang kausap ng mga ito Ang may Ari ng pinapatayo nila.
Agad na nawala Ang ngiti sa muka ko ng Makita Ang Isang babaeng naka maong pants at tulad Kong naka plain blue polo shirt, kahit naka sumbrero ito at naka suot ng sunglasses ay alam Kong si Alice Yun.
"Anong ginagawa mo dito!," madiin akong napakunot ng noo at nanginginig Ang mga kamao ko. napansin ito ni Donn at napatingin din sa kinaroroonan ni Alice habang papalapit ito Kay Terrence.
Siguradong alam na nyang kapatid ko ito at Hindi maganda Ang kutob ko sa kung ano mang plano na Naman nito para sa akin. Kung kaya nila akong pagbantaan ng harap-harapan ay siguradong kaya nilang gamitin Ang kapatid ko laban sa akin.
Hindi ako makagalaw nang magsimulang magpakita muli sa isipan ko Ang mga ala-alang Nakita ko Nung nasa sementeryo ako at saglit na sumagi sa isip ko Ang babaeng nasakal ko din Nung Araw na iyon, si Thycia.
Inakbayan ni Alice si Terrence at hinaplos-haplos Ang likod nito na Hindi ko nagustuhan.
Lahat ng galaw ni Alice ay kaduda-duda.
Matalim itong tumingin sakin habang nakangiting may pagbabanta bago nilingon Ang mga kasamahan nitong lalaki sa di kalayuan. Lima Ang mga itong nakamasid lang sa paligid.
Pamilyar Ang isa sa kanila, sya Ang humarang sa akin Nung unang beses Kong tumayo Mula sa hapag-kainan nang tangkain Kong umalis sa bahay nila. Nakatitig ito sa akin at mayabang na tumango.
"Ganitong laro Ang gusto nyo Alice," napangisi na lang ako dahil kung tutuusin ay kayang-kaya Kong sabayan Ang maduming galawan nito.
Kaya Kong dalhin si Terrence at Donn sa Amerika at harapin sila ng ako lang, mas mapapadali ito.
Agad na tinapos ni Donn Ang pakikipag-usap Kay engineer at tinawag si Terrence papunta sa Amin , marahil ay na sensed nitong Hindi ko nagustuhan Ang paglapit ni Alice dito.
"Pwede Kong i-cancel tong project kuya," sabi nito sa akin. "Ipapasalo ko ito sa Beta constructions, malaki Ang utang na loob nila sa atin walang magiging problema."
Tinutukoy nito Ang Construction company na kinuha nitong nagpatayo ng subdivision. Halos lumuhod ito noon nang paki-usapan nya itong isalba Ang palubog na nitong kompanya dahil sa sabotahe ng kalabang kumpanya, at handa pa nitong ipakasal sa kanya Ang noo'y dise-syete anyos nitong anak na babae.
Nabuhayan ako ng loob sa suhestyong Yun ni Donn. Hinawakan ko sya sa kanyang pisngi at pinisil ito bago ko sila inakbayan patungo sa sasakyan.
"Isaac!!!!," Madidinig Ang sigaw ni Alice mula sa likod.
"Bumalik ka dito Isaac!!!".
Piningot ko Ang Tenga ni Terrence nang nagtangka itong lingunin Ang nagsisisigaw na babae.
"Girlfriend mo pala Yun kuya?,"
Tanong ni Terrence sa akin.
Umiling ako at nakakunot na tumingin sa kanya sa rear view mirror.
"Wag kang lalapit sa kanya kahit anong mangyari, kahit Makita mo syang masagasaan sa Daan wag mo syang lalapitan".
Hindi na sya muling nakapagtanong sa akin nang mapayuko ito sa gulat nang marinig Ang sunod sunod na putok ng baril.
Kahit si Donn ay napaapak sa gas kayat muntik kami masubsob lahat sa loob ng sasakyan ng ma preno nya rin ito.
"Bumaba ka Jan Isaac," nagsisisigaw si Alice at nakatutok Ang baril sa sasakyan nila.
Nakayuko pa rin si Terrence, nanginginig Ang kamay nitong nakahawak sa laylayan ng damit ko.
Hinagkan ko lang ito sa likod at marahang hinaplos. "Relax ka lang Jan kami na bahala dito." Bulong Ko sa kanya.
Nagkatinginan kami ni Donn at dahan-dahan nitong inabot Ang dalawang baril sa kanyang bag at binigay nya Ang isa sa akin.
"Lalabas ako hintayin nyo ako sa may unahan," tinapik ko Ang balikat ni Donn at sinimulang buhayin Ang kotse.
"Mag-iingat ka kuya" sabe nito at napatingin Kay Terrence na nilipat Ang pagkakakapit sa damit Niya.
"Terrence," tawag ko sa kapatid ko.
"Ano ba! Presence of mind."
Lumabas din ako at itinutok Ang baril Kay Alice.
"You dare point your gun on me huh!!!!!" Muli itong nagpaputok ng baril sa taas.
Agad Namang lumapit Ang mga kasamahan nitong body guards at tinutukan din ako ng kanilang mga baril.
Nanlilisik Ang mga nito.
"Wag kayong maki-alam," sigaw nito sa kanyang mga body guards.
"Election is two months away," nakangisi Kong paalala sa kanya.
"Huminahon ka at lubayan mo ako kung ayaw nyong bumagsak sa mismong Araw na yun."
"How dare you threaten me," isa pang putok Ang ginawa nito malapit sa aking paa. "We are powerful and rich. You are just a young adopted self-proclaiming rich bastard!!!"
"Bang! Bang! Bang! Bang!,"
Ubos Ang bala ng hawak Kong baril na isa-isa Kong pinaputok sa mga paanan ng mga body-guards nya habang napa upo ito sa lupa at tinatakpan ng mga kamay nito Ang magkabilang nyang Tenga.
"Walang magpapaputok!," muli nitong sigaw sa mga ito.
Blanko lang Ang tingin sa aking ng pamilyar na body guard nya na tila panatag Ang loob nitong Wala akong balak patamaan sila.
"Dad will hear about this!!" Mahinang nanggigigil Ang boses nito na unti-unting naging palahaw.
"You are mine Isaac , tandaan mo Yan!!!"
DONN's POV
Tulog na si Terrence sa likod at may bakas pa rin ang luha dahil sa takot nito kanina sa kanyang pisngi.
"Bilhan ko lang ng merienda si Terrence kuya," binasag ko Ang katahimikan sa loob ng sasakyan habang tahimik din si Kuya Isaac.
"Kuha ka na rin ng sa atin," sabe nito.
Sinuntok nya ako sa kanang braso ko bago ako bumaba.
" You were scared as a cat," tumatawang sabi nito sa akin.
"G*go syempre anjan si Terrence," sagot ko sa kanya at napatakip sa bibig ko Nung pumasok sa isip Kong tinawag ko syang "G*go"
"Sorry kuya hahahah," hingi ko na lang ng pasensya. "Kahit bullet-proof tong sasakyan eh natatakot ako sa inosenteng batang Yan".
Pareho kaming napatingin sa kanya bago ako tuluyang pumasok sa store.
Nasa counter na ako at inabot Ang card para magbayad.
"Cash lang Po sir," sabe ng babae. Hindi na ako lumingon at kinapa Ang wallet ko.
Napangiti ako at binagsak sa counter Ang pera nang aabutin na ito ng pamilyar na tao sa harapan ko.
Naka-kunot noo itong tumingin sa akin at saglit na nagulat ng makilala nya ako.
"I---I---IKAW!!!!!???"
"yes?," sumandal ako sa counter at nag beautiful eyes sa kanya para asarin ito. Hinawi ko Ang buhok ko at hinaplos Ang kanyang baba.
"Asan na Yung Kasama mong adik," padabog ito habang nilalagay sa paper bag Ang pinamili ko.
Sya Yung babaeng sinakal ni Kuya Isaac nung Isang Araw sa sementeryo dahil napagkamalan sya nitong si Alice. Kahit may make up ito nakilala ko pa rin sya sa kanyang kilos at nunal sa pisngi.
Nag flying kiss lang ako sa kanya at naglakad na palabas nang mag ring Ang cellphone ko.
May tumatawang.
"DOC LUCIA..........."