CHAPTER TWELVE

1800 Words

"KUYA EDDIE, nakita n’yo ho bang napatakbo rito si Zea?" tanong ko sa matanda na bakas sa mukha ang pagtataka. "Hindi, Zyl. Kung nagtungo siya rito ay siguradong ibabalik ko siya sa bahay n'yo. May nangyari ba?" Napabuntong-hininga ako at nakapameywang na hinahabol ang paghinga. "Umalis siya ng bahay na masama ang loob. Hahanapin ko muna siya, Kuya." "Sige. Tutulungan na kita," sabi ni Kuya Eddie na bumaba na mula sa kinauupuan niya. Siniguro muna nitong nakakandado ang gate bago iwanan para sakaling naisin ninZea na lumabas ay hindi nito mabuksan. Naghiwalay kami ni Kuya Eddie at nagsimulang hanapin si Zea. Hindi ko alam kung ano ang maaaring gawin ng anak ko ngayong galit siya at masama ang loob. Natatakot akong baka nakalabas siya rito sa lupain at pagtangkaan niya ng masama ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD