Naligo kami ulit ni Xion sa dagat. Palubog na ang araw no'n kaya maganda ang tanawin. May kalamigan na rin ang tubig kaya hindi kami nagtagal. Pagbalik namin sa bahay nakahanda na ang hapunan. Naroon ang mag-asawa pero wala si Velyn. Ngayon ay nasa terrace kami. Napagpasyahan nila na rito na lang maghapunan para presko at maganda ang tanawin. Nakabukas ang mga fairy lights na nakapagpaliwanag at ganda sa labas. Masasarap ang hinanda ng mag-anak. Parang fiesta sa dami. Tumayo ako para ayusin ang cake na dinala ko. Tinusok ko na rin ang mga kandila para sisindihan na lang mamaya. Bawat galaw ko ay nakamasid lang si Xion. Hinahayaan niya ako sa kahit anong gawin ko pero nakabantay siya. Nginisian ko si Xion ng matapos ako. Lumapit ako sa tabi niya at umupo sa silya. "Dapat sasamahan ko

