Ilang minuto lang ay dumating na rin si Xion at umupo sa usual na upuan ko. Hinayaan ko siya ro'n at umupo na lang sa harap niya. I served the food and I am excited to eat. Mabilis akong sumandok ng lahat ng klase ng ulam. Nagmamasid lang si Xion sa mga kilos ko at hindi nakikisabay sa 'kin sa pagkuha. "I just noticed recently that you really love to eat, huh?" Matigas niyang ingles. Minsan ay nabibilib ako sa kaka-English niya dahil may accent at napakasarap sa pandinig. Si Xian kasi ay halos kadalasan tagalog ang ginagamit na language. He's right. I love to eat. Ang kaso ay sa pagkain lang ako marunong. I don't know how to cook. Can I tell you something?" I asked Xion. "What is it?" "Did you know that I can do everything, expect for cooking? Maybe that's why I'm fascinated to

