Isa't kahating buwan na ang nakalipas mula nang makipag-deal ako kay Tito. Everything is normal and safe. Tinutupad nito ang pangako niya pero palagi ang bantay niya sa mga galaw ko. Kahit hindi ko makita, alam kong binabantayan niya ako gamit ang mga camera sa lahat ng sulok ng Rawls. "Nabalitaan niyo bang may bago tayong katrabaho? Galing raw sa pinakasikat ng school. School na sobrang talinong estudyante lang ang nakakapasok." Rinig kong bulungan ng mga kasama. Nasa laboratory kami. Hanggang ngayon walang ideya ang kahit na sino sa kanila kung paano sisimulan ang pagpapalaki sa Hyacinth. Ang iba ay sinasabing imposible ang bagay na iyon. Ang iba ay ayaw sumuko at nagtitiwala sa kakayanan nila. "Oo nakita kong pumasok sa office ni VP. Mukang amerikana. Maganda tsaka sexy!" Pinaik

