Kanina pa kami tahimik ni Sebastian. Kahit anong gawin ko ayaw niya talagang umalis. Magkalayo kami ngayon na nagpapakiramdaman sa isa't isa. Nandito ko sa maliit na couch at siya naman ay nandoon sa kabilang dulo ng malaking couch. "Hindi ako makapaniwalang lumalabas kayo," mahinang sabi niya bago sumandal na para bang hinang-hina. "Napakatanga ko," dugtong pa niya. Hindi ako makakibo. Ayoko siyang kausapin lalo na't ako pa ang pinagmumukha niyang masama ngayon. "Ayoko na. Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa'yo." Biglang tayo niya na mabilis kong tinignan. "Bakit ba ako ang pinagmumukha mo ditong masama? Samantalang ikaw itong nagtataksil sa akin!" May naramdaman akong takot nang talikuran niya ko kaya naman napatayo rin ako habang naiiyak na. Mariin kong kinuyom ang mga kamay ko

