"Saan?" ulit ko sabay tingin sa wedding planner na kasama ko. Nasa malayo pa rin siya at may kausap. "Baka nandiyan na 'yung cake. Hindi ako pwedeng umalis, Ru." Nagulat ako nang makita siyang nakatayo na at nakalahad ang kamay sa akin. "Come on, Ariel. Ikaw itong nagsasabing ngayon lang tayo nagkita. Dapat sulitin na natin." "Hindi ko alam, Ruru. Medyo mahigpit kasi sila sa akin ngayon." "Dahil ano?" "Pinabasa ko na sa'yo 'yung article." "Dahil lang sirena ka, tatanggihan mo na ko?" nakatawa niyang dugtong saka pilit akong hinila patayo. "Hindi ako katulad ng ex mo. Bwisit talaga 'yung Noah na 'yon. Sa akin safe ka. Don't worry, kahit pa itaya ko ang buhay ko para sa'yo." "Ayan ka na naman." "Mas mapapadali tayo at hindi gagabihin kung hindi ka na magpapabigat diyan," nahihirapan

