Chapter 4

990 Words
Matapos ang hapunan ay naligo na ako at pagkatapos ay nagsimula na akong mag ayos. Naka pantulog na si Mike ngunit may ginagawa pa siyang work or nakikipagchat, hindi ko alam. Napansin niya siguro na nag memakeup ako, kaya siya napatanong “San ka pupunta?” “Diyan lang”, sagot ko habang nilalagyan ng mascara ang aking lashes. Hindi niya nagustuhan ang sagot ko kaya nang harapin ko siya ay magkasalubong ang kilay niya. Tinatamad ako makipagusap at saka bakit kailangan ko pa magpaalam sa kanya na iinom ako? “Maaga pa tayo bukas. At least sabihin mo sakin kung san ka pupunta man lang. Responsibility natin ang isa’t isa dito”, seryoso niyang banggit “Iinom lang saglit sa katabing bar. Ok na?” Hindi na siya nakasagot. Akala ko e pagbabawalan niya ako, hindi naman pala. Wala naman siyang paki sa’yo, Jade. Ano pa bang ini expect mo. Tinungo ko ang CR at saka nagpalit. Isang black halter mini dress na low cut sa likod ang suot ko. Itinaas ko na lang ang buhok ko at ginawang messy bun ito na may mga nakalitaw na baby bangs sa harap. Pinaikot ko iyon para magmukhang wavy. Paglabas ng CR, ay nagulat na naman ako kasi nakatingin siya sa’kin pati sa suot ko ngunit iiniwas niya rin ‘yon nang magtama ang mata namin. Ako nga pala ‘yong sinayang mo. Paghawak ko sa doorknob bigla siyang nagsalita “Bumalik ka agad before 9pm or else maghanap ka ng ibang matutulugan”, sabay balik niya sa ginagawa. “What?! E magsisimula pa lang ang kasiyahan non e?” “Gusto mo bang ireport ko yan sa opisina?” “Fine!” I shut the door so loud para marinig niya ung asar ko. —- Aloha Bar Pagpasok ko pa lang sa bar ay malakas na tugtugin na ang sumalubong sa akin. Nakapagdinner naman na ako kaya umorder agad ako ng alak. Isang oras lang ba naman ibigay ng mokong na ‘yon sa akin. Asa siya. E di ireport niya! Matutuwa pa ako non. “One whiskey, please”, I ordered. There were not so many people in the bar because 8pm is tool early. Hindi ko inexpect na may night life din pala dito sa Palawan. Well, I’m here to forget the pain and to be happy even for a short while. I haven’t had drank so much like this since 2 years ago. He was my first boyfriend and my first heartbreak. I thought I have already moved on but ngayong nakasama ko siya ulit, at nalaman kong may girlfriend na siya, why does it hurt so much. Bakit siya nakalimot na? While I’m still here. Umaasa pa rin pala ako deep inside. 8:30pm I have lost count kung ilan na nainom ko. Dumarami na ang mga tao at meron pang nakiupong lalaki sa tabi ko. “Hey. Alone?”, “Hindi ba obvious?”, I asked back and saw who he was. My senior in college, Luke, was sitting beside me. Napakaliit talaga ng mundo. Napahiya naman ako ng konti sa pagtataray ko. “Ang taray mo na, engr” “Sorry, I thought you were some stranger” He ordered a drink and asked me for a toast. Luke was the President of the organization of student engineers while I was the secretary. He was someone na pinagseselosan noon ni Mike ‘cause he thought this guy likes me but I think he’s gay. Nagkamustahan lng kami and enjoy the company of alcohol. 9:10pm I’m getting tipsy from all the drinks na nakalimutan ko ang oras. Shut up and Dance was playing on the background when Luke offered his hand to dance. Tatanggapin ko na sana ang kamay niya ngunit pagtayo ko ay bigla akong nahilo kaya napapikit ako pag mulat ko ay mukha ni Mike ang nakita ko. Naghahalucinate na ba ako? “Let’s go”, diin niya Hinila niya ang kamay ko paalis sa bar ngunit hindi ako nagpatinag. “I don’t want to make a scene here, sumama ka na sa’kin pabalik. Masyado ka nang maraming nainom”, Pano niya nalaman e wala naman siya dito? “Ano namang gagawin mo, hehehe?” “Makikita mo na lang. Tayo na. Balik na tayo sa hotel”, kukunin niya ulit ang kamay ko ngunit kaagad kong naiiwas iyon. Haha. Serves him right. “Hindi ka ba talaga sasama?”, naiinis na niyang tanong. “Hindi. Iinom pa ak— napasinghap na lang ako ng hangin kasi bigla niya akong iniangat na parang bridal style. Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko ngayon. Habang hawak naman ng mga bisig niya ang likuran at binti ko. “Aww. Ang sweet!”, kantyaw ng mga tao. Sinuksok ko na lang ang mukha ko sa leeg niya kasi nakakahiya. Hindi na rin ako nakapalag kasi baka bigla na lng niya ako ibaba. Mabalian pa ako. Nakarating kami sa hotel sa ganong sitwasyon at pagkapasok ng room ay ibinaba niya ako agad. Nahilo ako at parang maduduwal na kaya agad kong tinungo ang bowl. Pasuring suring akong lumakad tungo doon, habang siya naman ay nasa likuran ko. Ang aking buhok na kanina ay nakapusod ngayon ay gulong gulo na sa harap ko. Hindi na ako mag iinom, Lord. Nagulat akong muli ng ayusin niya ang buhok ko at kinapitan iyon habang dumuduwal ako sa bowl, Habang ang isa naman niyang kamay ay nasa likod ko. Why does he care? Di ba magagalit girlfriend niya sa ginagawa niya ngayon? nang hindi na ako masyadong nasusuka ay hinawi ko ang kamay niya. “Kaya ko to. Wag mo na ako samahan”, ngunit parang wala siyang naririnig. Naduwal na naman ako kaya parang nabalewala lang ang pagtatapang tapangan ko kanina. Sobrang sakit at pagod na ang nararamdaman ko. Then the next thing I knew, everything went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD