Chapter 16

1007 Words
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon ngunit lamang ang saya at kilig. Anong mukhang ihaharap ko sa kanya sa Monday? Kami na ba? Masayang masaya ako at excited na makita siya sa school ngunit hindi ko siya nakita. Wala din siyang text sa akin. Hindi ko naman mapilit ang sarili ko na itext siya dahil sa nangyari. I hope he’s fine. Bukas, siguro papasok na siya. I waited. Hindi lang isa ngunit tatlong araw. On the third day, nagulat na lang ako sa kumakalat na tsismis. Shaun Mike Lim is courting Sophia Romero. Parang naguho ang mundo ko nang marinig yon sa bibig ni Katrina. Sophia didn’t confirm or deny the rumors. “Bes, Okay ka lang?” Hindi ako okay. Naramdaman ko na lang ang paginit ng mga mata ko at ang pagpatak ng luha mula roon. I wiped it away bago hinarap si Katrina and mouthed “Ok lang” Angel, who’s sitting behind me, handed me his handkerchief. Napansin niya siguro ang paghikbi ko. Magkahalong disappointment, galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Maghapon akong sinamahan ni Angel at night Katrina. Naaawa siguro sila sa akin ngayon. Angela insisted na ihatid ako. Nanghiram pa siya ng helmet upang may magamit ako. Wala naman akong choice kasi gabi na at wala na akong naabutang sasakyan. Wala rin naman kasi si Shaun. On the way home, hindi ko mapigilang hindi umiyak. Angel was quiet. He grabbed my hands and put it on his stomach. “Iiyak mo lang”, he said which made me burst into tears even more. I held on to his shirt as I cried. Nabasa ko pa ng luha ang likod niya. Ngunit nang makarating kami sa bahay ay naabutan namin si Shaun kakalabas lng ng sasakyan. Hinatid ako ni Angel hanggang sa may gate namin kung saan andun si Shaun. “Are you sure you’re okay?” tanong ni Angel sa akin. “I’ll be fine. Thank you sa paghatid saka sorry sa tshirt mo” “Anything for you”, sabay pat sa ulo ko. Hindi niya pinansin ang mga matang matalas na nakatitig sa amin. Bagkus ay nilapitan niya si Shaun at may binulong doon na hindi ko marinig. Shaun looked so pissed pagkatapos. Nang makaalis si Angel ay dali dali akong naglakad at nilampasan si Shaun ngunit nakuha niya ang kamay ko. “Can we talk?” “Para saan pa?” “Please. Let me explain.” “Kung about kay Sophia ang paguusapan natin, wala na tayong dapat pagusapan pa. Let me go.” “Austine-“ “I said let me go!” Napalakas ang pagkasabi ko kaya siguro nagulat si Nanay saming dalawa. Napalabas ito. “Anong nangyayari?”, naga alalang tanong ni Nanay. “Shaun, Tine, sa loob kayo magusap. Baka magising ang kapitbahay” I forced my hands off his grip at nauna pumasok sa bahay. Naghanda si Nanay ng kape at biscuit para kay Shaun pagkatapos ay iniwan kami sa sala. Magkatabi kami ngayon sa sofa. Hindi ako umiimik kasi sobrang sakit ng ginawa niya. “Um. Pwede na ba tayo magusap?” I didn’t respond. Wala akong gana makipag usap sa kanya sa kabila ng lahat ng nangyari. “I’m sorry. Hindi kita nasabihan, nagkaroon kami ng biglaang trip sa abroad. Kaya hindi kita naitxt or natawagan. Chinat kita sa messenger pero hindi mo naman iyon naseen.” Hindi ako umimik. Why would he tell me all of these? Para mabola ako? “About the kiss- “It’s a mistake, right? I know. May sasabihin ka pa ba? Kung wala na pwede ka na umuwi.” “Please hear me out”, kinuha niya ang kamay ko. I can feel the sincerity in his eyes pooling with tears. I looked the other way kasi nararamdaman kong maiiyak na naman ako. “Look at me” He lift my chin up forcing my eyes to look at him. “I’m not courting Sophia. Whoever spread those rumors, it’s not true. Please believe me.” “Ano naman kung hindi? Why did you kiss me kung nanliligaw ka pala sa iba?” “I love you, Austine. Fck. Hindi ba halata?” I was dumbfounded. “All those things I did, I did ‘cause I love you. Pero kung di mo ako mahal, just say it now and I won’t bother you anymore.” He looked pained after saying those last words. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin that gave me courage to do it. I kissed him and to my surprise he kissed me back. Then whispered “I love you, too, Shaun” He hugged me so warmly that it erases all the pain I was feeling earlier. He caressed my hair with his gentle fingers. He smells so damn good. “So, tayo na ba?”, tanong niya. “Hindi mo pa ako nililigawan, e”, biro ko. “Sagutin mo lang ako, araw araw kitang liligawan” “Oo na” “Thank you” “Para saan? “For making me the happiest man in the world. Wait, I just remembered I have something to give you” “Ano ‘yon?” “Pikit ka muna” Ipinikit ko ang mata ko at saka iminulat nang sabihin niya. It was a ring. Inilgay niya iyon sa daliri ko. “Couple ring yan. Promise ring natin sa isa’t isa” It was a silver ring na may nakaembed sa loob na name. Pangalan niya ang nakalagay sa singsing ko at pangalan ko naman sa kanya. I hugged him and thanked him. Nagdinner na rin si Shaun sa bahay at pinakilala ko ulit siya kay Nanay bilang boyfriend ko. Matapos ang hapunan ay nagpahinga lang saglit si Shaun bago umuwi. Sinamahan ko siya hanggang labas ng gate. He kissed me on the forehead before driving away. I changed his contact name into “Boyfriend 💕” He’s actually my first boyfriend so I’’ kind of nervous and excited.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD