Hindi pa rin tumitigil ang ulan, kaya this time nagdala na ako ng payong. The day went smoothly and hindi ko pa nakikita si Mike. Today is our PE Class, so we are at the gymnasium. I changed into our PE uniform, which is a plain white T shirt and a jogging pants na navy blue with 2 stripes sa gilid, naroon din nakalagay ang logo ng university. Nagpony tail na lang ako. Suot ko rin pala ang rubber shoes na gift niya sa akin kahapon. Wala na rin kasi akong pamalit sa nabasang sapatos.
The gym was occupied by athletes when we arrived, and there I saw him and to my surprise he waved at me. I just smiled in response. They were having their warm up exercises. Nagsimula naman maglecture si sir Rene sa amin and we gathered na lang sa harapan niya. Si Angel naman ay naupo sa tabi ko.
"P"<# ka na#@^$ kagabi?' – he asked in a low voice na halos di ko na marinig
"Ano yun?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin at saka ibinulong.sa likod ng tenga ko
"Pano ka nakauwi kagabi?"
"Ah. May naghatid sa akin. "; pabulong kong sagot
"People at the back! Care to share kung ano pinagbubulungan ninyo jan?", mataray nitong tanong sabay continue niya sa lecture.
Si katrina na nasa unahan ay tinawan lang ako ng palihim at may panunukso.
We stayed silent the whole subject. First time ko macallout ng teacher. Si Angel kasi Bad Influence. Miminsan ay kinukulit pa din ako kung sino naghatid sa akin kagabi. Pero di ko sinasabi.
*Beep
Mike: You should listen to your teacher, Miss.
Tumingin ako sa gilid ko at nandun siya nakamasid sa amin ni Angel. Tapos na ang practice nila at siya na lang naiwan doon. He's already changed in his uniform. Nakadekwatro siya at nakahalumbaba na nakatingin sa akin sabay turo niya sa teacher ko. Tumango na lang ako sa kanya at nakinig na lng kay sir.
Matapos ang klase ay hindi ko na siya nakita sa pwesto niya kanina.
It was my last subject today at 3pm. I didn't mind changing into my uniform kasi pauwi na rin naman. Niyaya ko kumain ng street food si Katrina pero hindi siya sumama. May gagawin dw siyang importante.
Mag isa kong tinungo ang food court. I ordered siomai and milktea and sat on one of the chairs doon.
*beep
Mike: Umuwi ka na ba?
Me: Hindi pa
Mike: Where are you?
Me: Secret :P
I enjoyed my siomai and milktea saktong kakaserve lang din nito nang dumating siya. Pawisan ito ngunit ang bango bango pa rin.
"I was looking everywhere for you. Nandito ka lang pala"
"Gusto mo?" Alok ko sa kanya sa pagkain ko. Walang pag aalinlangan niyang kinuha ang milktea na nainuman ko. Was that indirect kiss? Kaagad na namang namula ng pisngi ko.
Tumingin siya sa paahan ko at napansin na suot ko ang bigay niya.
"It looks good on you", he said somewhat proudly na bumagay ung pinili niya sa'kin.
"Thank you ulit. Wala na kasi akong masuot kaya sinuot ko na"
His eyes went soft after niya marinig ang sagot ko.
"Thank you sa milktea. Ingat ka pauwi. May klase pa ako", he said then left with my drink.
Hindi ko rin alam kung bakit ang comfortable na niya sa akin. Mas lalong hindi ko alam kung anong meron kami. Isa lang ang alam ko, nahuhulog na ako sa kanya nang hindi ko namamalayan.
Pagkauwi ng bahay ay naabutan ko si nanay na kakauwi lng din.
"Nay, bat maaga ho kayong umuwi?"
"Medyo masama pakiramdam ko anak", sinabi niya in between her coughs.
Hinipo ko ang kanyang noo, mainit iyon.
"Nilalagnat po kayo, Nay. Magpahinga po muna kayo. Bibili lng ho ako ng gamot",
"Salamat, neng"
Nagluto ako ng hapunan. Pagtapos kumain ay pinainom ko na si nanay ng gamot. Itetext ko na lng ang Boss niya na hindi siya makakapasok bukas. Tinanggap naman iyon ni Aling Maria ngunit hindi siya pumayag na walang kapalit si nanay. Nag iisa lang kasi siyang tauhan nito sa tindahan kaya naman napilitan na rin akong humalili. Aabsent na lng ako bukas. Ininform ko si Katrina na absent ako bukas ngunit aabsent din dw pala siya kasi may family outing dw sila. Wala akong choice kundi itext si Angel. Bukod kay Katrina ay siya lang madalas ko makausap kasi ang ibang students ay may kani kanilang grupo na ng kaibigan. Ewan ko ba dito kay Angel kung bakit sa amin sumasama palagi.
To Angel: Good eve. Hindi ako makakapasok bukas baka magtanong ung prof pakisabi na lang na masama pakiramdam ko. Thanks.
Angel: Anong nangyari sa'yo? Nilalagnat ka ba?
Me: Wag na maraming tanong Angel
Hindi na siya nagreply ngunit tumawag naman ito. Ang kulit ng lahi neto.
Angel: Anyare?
Me: Tsismoso ka rin no?
Angel: Ano nga? Sige ka di ko sasabihin sa prof natin.
Ugh. Nakakainis
Me: May sakit si Nanay.
Angel: Ahh. I see. Walang ibang magbabantay?
Me: Mm
Hindi ko masabi sa kanya na pinapalit ako sa trabaho ni Nanay.
Angel: Salamat ha
Me: Huh? Para saan?
Angel: For trusting me. Hehe.
Me: Absent dw kasi si Katrina bukas
Angel: Ouch. Second option lang pala ako
Me: Drama mo. Sige na, Bye.
I ended the call na hindi hinintay ang response niya. Nagtxt pala si Mike
M: Busy?
Ako: Hindi naman masyado. Bakit?
M: I was trying to call you but your phone's busy.
A: Kausap ko lang si Angel.
M: Ok
Ano bang pwedeng ireply sa ok?
A: Bakit ka sana tatawag?
M: Wala lang.
Triny kong pahabain ang usapan namin ngunit parang ayaw na niya akong kausap kaya hindi na lang ako nagreply. Hindi ko nasabi na absent ako bukas, mukha siyang badtrip e.