Naomi's POV: ** Ring ring...** Kinuha ko ang phone ko sa table ng mag-ring ito. Nandito kasi ako sa sala at nanonood ng TV. Sabado ngayon kaya walang pasok. Napakunot noo ako dahil unregistered number ang tumatawag. Dahil sa curious ako kaya sinagot ko. "Hello?" Mas napakunot noo ako ng hindi ito nagsasalita. "Hello?" Aba't! Nangti-trip siguro 'to ah. Kanina pa ako hello ng hello pero wala talagang sumasagot. Isang nakakabinging katahimikan lang ang sumagot sa akin. Ano ba 'yan, walang magawa sa buhay. "Kung hindi ka magsasalita, ibaba ko na—" "H-Hello po." Napatuptop ako ng bibig sa narinig ko. Bata? Napatingin ulit ako sa number na tumawag. Hindi ko talaga kilala eh. Ibinalik ko nalang sa tenga ko ang phone at nakinig sa kabilang linya. "Hello ate?" Nakng! Ate daw

