Episode 25

1627 Words

Naomi's POV: "Huhu bakit ganon sya Naomi?" Iyak nyang tanong sa akin. Kanina pa sya iyak ng iyak. Ang nagagawa ko lang ngayon ay ang aluhin sya at patahanin. "Mahal ko naman sya. Ano bang kulang sa akin?" Tiningnan nya ako na may pumapatak pangluha sa mga mata nya. "Walang problema sayo." sadyang gago lang sya. Hindi ko na dinugtungan ang sinabi ko. Umiyak lang sya ng umiyak. At ito naman ako, nakikinig lang sa mga hinain nya. Aish! Saan ang hustisya nito? Ganito nalang ba palagi ang rule ko sa kwentong ito? Tagapatahan ng mga babaeng pinapaiyak ng babaero kong bestfriend? Iyak lang ng iyak si Mia hanggang sa nagpaalam na sya sa akin na uuwi na sya. Nandito kasi kami ngayon sa park. Nakipagkita sya sa akin dahil gusto nyang ilabas ang sama ng loob dahil hiniwalayan sya ni Ace. Si Mia?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD