Nang matapos ang musika ay hinatid na nya ako sa table namin. Nakita ko namang nakaupo si Jen doon kaya lumapit ako. "Mamaya best ha?" Paalala nya sa akin, na sabay daw kaming umuwi mamaya. Ngumiti at tumango naman ako. "Okay." Nagpaalam na syang babalik na sa pwesto nya. Kinantyawan naman ako ni Jen ng makaalis na si Trev. "Ayeeh! Ang sweet. hihi." "Haha adik!" Nagkwentohan lang kami ni Jen. Tinatamad na kasi kaming sumayaw at medyo masakit na din ang paa ko sa kakasayaw. Si Zoe naman, ayon hindi napapagod kasayaw ang pumpkin nya. "Ehh! Paano kung hindi nya ako gustong makasayaw?" Napatigil kami sa pagkukwentohan ni Jen ng marinig namin ang apat na babae na nag-uusap sa likod namin. Hindi sana kami makikinig kaso narinig ko ang pangalan ni Trevor. "Ano ka ba! Papayag 'yon. Isa p

