CHAPTER 6

1145 Words
"Ugh, nakakainis!" Kakasabi ko lang na kanya na yung panty ko, but I just realized yung suot ko nga palang underwear kagabi ay yung limited edition ng AP na nabili ko pa sa Las Vegas last month. Pano ko susuotin ngayon tong brassiere kung wala na ang kapares nito? Bakit naman kasi panty ang trip ng nilalang na yun? Kapag nakita ko talaga ulit ang lalaking yun, babawiin ko ang panty ko sa kanya! $800 din ang isa nun ha. And I didn't buy it with my family's money, but by my own money. I must get it back! Pero saang lupalok ko kaya makikita ulit yun? At isa pang kinaiinis ko sa kanya, he bit me in a part na nakikita ng lahat. Nakasuot tuloy ako ng turtle neck ngayon just to hide the red marks on my neck. After I styled myself, bumaba na ako. Magkikita ulit kami ni Pauline today. Pero pagkababa ko, sya namang pagdating nila papa. Looks like Celline is already discharged from the hospital. Kasama pa nila si Winston. It's funny how this workaholic people can drop everything for her. But whatever, I don't have pake anymore. "And where are you going?" Biglang harang sa akin ni Winston nang lampasan ko sila at hindi man lang pinansin. "Anong paki mo?" Inis kong sagot. Malapit na si Pauline sa coffee shop na pupuntahan namin and this dude is standing on my way. "You've got one day to think of what you did, young lady, pero parang wala kang pagsisisi sa ginawa mo!" Sermon ni papa. "You've gone too far this time, Daphne." Umiiling na sabi ni kuya Harvey. "What exactly did I do though?" Lahat sila kumunot ang noo sa sinabi kong yun. "It's okay, tito. Kuya. Winston." Agad na pag-awat ni Celline sa mga ito. "Kung gusto ni Daphne ang kwartong iyon, I'll just give it to her." She said sweetly with tears in her eyes. Dati talaga nauuto din niya ako sa style niyang iyan. Innocent, and sweet. Bakit hindi ko agad nakita na pagpapanggap lang ang lahat umpisa palang? "Napakabait mo talaga, Celline." Kuya Nate patted her head. I just rolled my eyes, because dang it kuya Nate, you've been played. You're just too blind to see it. "See? She's okay with it, so what's the big deal that I got my room back?" Saad ko. "It's just a room, Daphne! Pero dahil sa ginawa mo, Celline was confined to the hospital. You put our baby's life in danger." Halos sigawan ako ni Winston. "Hindi ko na problema na wala kang b@yag para pakasalan si ate Celline, Winston. With just a small issue, and you agreed to postpone the wedding? Come on, if you have the balls to cheat, you should also have the balls to own the consequences." I giggled. Naks ang galing ko palang sumagot-sagot. New life, new me na talaga to. Halata ang pagkagulat sa mukha ni Winston na sinagot ko siya ng ganun. In my last life, even though he's been married to Celline ay sunod sunuran pa din ako sa kanya, because I was still hung up on my feelings for him. And he would play with my feelings dahil alam niya kung gaano ko siya kamahal. 'Yuck. Kadire ka sa part na yun, Daphne!' Parang gusto kong masuka sa old self ko. Even Celline's reaction is funny. Namumula na ang mukha niya sa inis. Looks like tinamaan siya sa sinabi ko na walang bayag si Winston para pakasalan siya. "Daphne, if you think you can get our attention by being rude, nagkakamali ka!" Si kuya Harvey ang bumasag ng katahimikan. "Oh, don't worry, kuya. I don't want any of your attention at all." Isa-isa ko silang tiningnan. "Ibigay nyo nalang kay ate Celline, kasi nga di ba sabi nyo kulang sya sa aruga." Sunod kong tiningnan si Celline, na halatang nainsulto lalo sa sinabi ko. "Oh well, Pauline's waiting for me na. Bye!" I headed to the door and left kahit tinawag ako ni Winston at gusto pa din nito na magsorry ako kay Celline. Dalawang araw palang ako sa bago kong buhay, and I already loving it. Pagdating ko sa coffee shop ay agad na kumaway sa akin si Pauline. "Ang tagal mo. So I already ordered your favorite iced coffee, and macaroons." Imporna nya pagkaupo ko. "Ikaw na talaga ang the best sa buong galaxy, beshy." Sagot ko naman. "So, hindi talaga tuloy ang kasal ni Winston at Celline?" Tanong nito. I texted her kasi na hinarang ako nila Winston sa may living room kaya natagalan ako. "It looks like it. Gusto pa din kasi nilang ibigay ko ang room ko." Sagot ko after sipping my iced coffee. "Kalerkey naman." Napangiwi si Pauline. "Asa silang ibabalik ko." I munched the macaroon next. "Tama behavior, beshy!" Kinain din niya ang inorder niyang pastry. "Let's go to the bar again tonight?" Aya ni Paulina. "Ulit? Sunog baga lang?" I laughed. "Well, our OJT will start next week. Six months din yun. After the graduation we'll start working na. We have to enjoy our remaining freedom." Sandali akong natigilan when Pauline mentioned our OJT. Holy mother of— sa sobrang saya ko na unti-unti kong nababago ang mauna kong buhay, nakalimutan ko ang tungkol sa OJT namin na magsisimula na next week. At this time, it's already arranged that I will do my six months OJT sa company ni papa. Castellano Main office for 3 months, and the next three months would be at the private beach resort owned by our family na tanging pinakamayayaman lang sa bansa ang nakakaafford. Our family is more in the resorts and real estate industry. Meanwhile ang pamilya ni Winston nasa construction manufacturing kaya kami pinagkasundo. But that's not the problem. Ang problema rito, my OJT records will be given to Celline. In my past life, hindi ako nakagraduate agad dahil ang OJT records ko binigay nila kay Celline. Lagi kasi itong may morning sickness at kung ano ano pa kaya laging nasa opisina lang nila kuya at papa naka-upo, nagcecellphone, o di kaya ay natutulog. Ako na nagpakapagod mula sa pagiging errand girl, secretary, at kung ano ano pang paghihirap ang siyang hindi nakagraduate. I told them na pwede naman nilang doktorin ang OJT records ni Celline, pero isang iyak lang nito na baka malaman ng university na ganun ang ginawa niya ay baka maissue siya. Ilan kasi sa mga classmates namin, nakiusap na sa kompanya namin mag-OJT para magkaroon sila ng magandang records at makahanap agad ng magandang trabaho. Ang ending, I didn't graduate on time. Ang dahilan nila papa at mga kuya ko, I'm still young. Marami pang chance. Magwowork pa rin naman daw ako sa company kahit hindi ako grumaduate. Unlike si Celline, once she gives birth, hindi agad siya makakabalik sa pag-aaral to complete her OJT. Hindi pwedeng maulit ulit yun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD