Chapter 5

1453 Words
Lindsey POV "Ms. Lindsey, naiready mo na ba ang plan na dadalhin mo mamaya sa LG printing services. "tanong sakin ni mam scarlet, aking manager. "yes mam, nasendan ko na din po kayo ng copy. Pakicheck na lang din po para kung may baguhin po kayo maedit ko na po agad. "sabi ko kay mam "ok noted.Message kita if ok naman. " "thank you mam."pagpapasalamat ko. Di na po ako pupunta sa office niyo mamaya. Deretso na po ako sa LG. " First time ko pa lang nautusan sa project na iyon kaya kailangan ko agahan pagpunta sa LG. Pagkarating ko sa opisina ng LG nagpakilala agad ako sa secretary. Alam kasi niya na darating ako kasi tumawag muna ako sa land line nila bago pumunta. "Ma'am Lindsey, si boss LG po ang makikipag usap sa inyo kasi malaking account po ang hahawakan namin sa inyo. "nakangiting sabi ng secretary. Mabuti naman naisip nila yun abah milyon to, madaming billboards na panlagay sa kamaynilaan, sa edsa at ibat ibang panig ng bansa ang gagawin nila, sa isip isip ."ok sige, mabuti naman kung hapon. "nakangiting balik ko sa kaniya. "ah miss si boss LG ba na sinasabi mo ay ang may -ari nitong business?"curious na tanong ko. "yes po mam. "pag-sangayon niya. Iginiya ako ng secretary sa isa pang room. Sumilip muna siya, at sumenyas sa boss niya at sinabi na andito na ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pagkatapos umalis na din siya. "good.... Goooooood... "babati na sana kaso napatigil ako dahil nagulat ako sa aking nakaharap. Hindi din siya agad nakapag salita pero siya ang unang nakabawi at nagbitiw ng salita. "oh ha!! I am right, ikaw nga ang makakaharap ko ngayon, hindi ako nagkamali na ikaw nga yung Lindsey nakasulat at nakapirma sa plan. "panimula niya "ah wo...wow naman!! I... Ikaw pala may -ari nito. "nabubulol kong wika sa kaniya. "ah ....so ngayon mo lang pala nalaman.."nakangiting balik niya sa akin. Tumango naman ako ng may alangang ngiti. "anyways, have a sit. "anyaya niya .Itinuro niya sa akin ang upuan nasa harap niya. Hindi ako kaagad nakaupo kasi medyo isinisink in ko pa sa isip ko na si Leonil ang kaharap ko. Napatulala din ako sa kagwapuhan niya, ang linis niya tingnan sa pormal suit na suot niya. Ceo na Ceo ang dating niya. "ehem.... "pagtikhim ni Leonil. "Have a sit. "ulit niya Medyo nagising naman ang diwa ko sa pagtikhim niya.. Kakahiya!!! Naupo agad ako, para matapos na ang ipinunta ko dito. Naging seryoso naman ang naging paguusap namin sa project na ipinasa ko sa kaniya. Nagpirmahan na din kami ng kontrata nung bandang huli. "salamat sa muling pagtitiwala ng inyong kompanya sa amin. "sabi niya pagkatapos. "malaki tiwala ng aming kompanya sa inyo kaya dito paulit paulit na bumabalik. "sabi ko naman. Wala pa ako sa company namin ay naging kapartner na ng aming company ang LG printing services. "mabuti pa company niyo bumabalik sakin, ay ikaw kaya??? "pagkuway sabi niya naman "ha???"kunwaring di ko narinig ang sinabi niya "ah... Sabi ko di mo ako nirereplayan sa mga chat ko sayo, di mo din ako inaaccept. "pag-iiba niya "pasensya ka na.. Busy sa trabaho at anak ko. "sagot ko. "malaki na siguro anak mo. "tanong niya "ahh oo mag 1 year na siya next month." "alam mo parang wala ka pa din anak,,,gorgeous ka pa din at sexy. "compliment niya. Medyo namula naman ata ako sa sinabi niya kaya wala ako maisip maitugon dun.Napangiti na lang ako. "ahm anyway nice meeting you again Mr. Leonil Guile. Mauna na ako. Balik pa ako office. "nakangiti kong pamamaalam sa kaniya. "Leonil na lang,,, masyadong pormal kung may Mr. "sabi niya. Medyo ikinunot ko ng bahagya ang noo ko kasi wala naman masama kung magpakapormal ako kasi nasa business world naman kami. "ahhh,, Lindsey pwede ba kitang anyayahan kumain sa labas. "pahabol niya. Medyo nag-aalalangan pa siyang magsabi. "pasensya ka na, and don't mis interpret me, wala naman siguro dahilan para paunlakan ko ang iyong paanyaya. "pagprangka ko sa kaniya. Napatawa siya ng bahagya. "grabe ka naman.. Talagang...."sagot niya. May isusunod pa sana siyang salita pero itinigil na lamang niya. "may anak kasi ako na naghihintay sa bahay at yun ang priority ko sa ngayon ."paliwanag ko "ahmmm... Ok cge pero sana next time. "pagbabakasakali niya. Tumango na lang ako para matapos na ang usapan. "ok cge, mauna na ako. "pagpapaalam ko. "OK sige..have a safe ride. "tugon na lamang niya. Pagkalabas ko ng opisina niya, isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Salamat at natapos na, kanina pa akong balais na balais at iba ang pakiramdam. Awkward sa feeling. Syempre naging ex ko yun, nahihiya nga ako humarap sa Kanya matapos ko siyang balewain dati. Tapos ngayon ang yaman yaman niya na siguro, may sariling negosyo. At sa pagkakaalam ko sa LG printing services ay madami na itong branch sa Pilipinas,ngayon ko lang nalaman siya pala ang May -ari. Sigurado ako na mapapalimit ang pagkikita namin ni Leonil dahil sa project. Hindi naman maaari na hindi ko gagampanan iyon dahil yun ang trabaho ko. 6 months pagkatapos ko manganak ay nagtrabaho ako sa isang advertising agency. And I can't believe na dito kami ulit magkakatagpo ni Leonil. I was expected of course na magkikita kami kasi napakaliit naman ng mundo pero hindi sa trabaho. Isa pala ang agency namin sa clients ng company na mismong pag-aari ni Leonil. Sa kanila kami nagpapalay out ng mga advertisement na ilalagay namin sa tarpaulin, flyers, billboard at kung saan saan pa. Napabuga na lang ako ng hangin sa mga naiisip. Wala naman siguro masama kung magkita kami palagi basta project pag uusapan,isip isip ko. May dahilan pala ang diyos kung bakit kami pinagtagpo ni Leonil noon. Doon nagsimula muli ang pangalawang pagkakataon na pilit kong tinatakasan dahil masaya na ako sa anak ko.Isa pa guilty na guilty ako sa sarili, ayaw ko ng papasukin pa si Leonil sa buhay ko,hindi dahil ayaw ko sa kaniya kung di dahil sa ginawa ko sa kaniya dati. Inimbitahan ako ni Leonil na puntahan namin sa edsa ang isang bulletin board na natapos na nilang ikabit. Kailangan ko daw iyon makita personally para makita kung approved na ba daw o hindi. Sa mismong area na kami magkikita. Byahe ako kaya nauna siyang dumating. Nadatnan ko siyang nakatingala sa billboard. Tumikhim ako para malaman niyang dumating na ako. "oh mabuti naman di mo ako pinaghintay ng matagal. "pagbibiro niya "pasensya na,, nagbyahe ako eh. "sabi ko habang tumingala din para tingnan ang billboard. Hapon na, kaya palubog na ang araw. Kaysarap tingnan ng billboard habang papalubog ang araw kaya pala ganitong oras ako niyaya ni Leonil. Ibang awra ang naidudulot ng papalubog na araw sa billboard, awrang pang -akit hahaha. "Hindi naman, OK Lang. "bawe niya agad. "Anong comment mo sa first finished product? "tanong niya "Perfect!! "paghanga ko .Isang salitang nabigkas ko pagkatapos ay tumingala ulit ako. "Well ...thank you... Baka mangalay ka sa kakatingala. "biro niya. Ngumiti na lang ako sa kaniya. Hindi ko feel makipagbiruan sa Kanya. Nang matapos ko ng masiyasat ang billboard, nagpasya na akong umalis. "ahm.. Paano ?ok na naman so alis na ako ."paalam ko "magbbyahe ka ulit? "tanong niya Tumango na lang ulit ako. "hatid na kita, same way lang naman tayo eh. "sabi niya "hindi,,,, wag na.... Kaya ko na.... "pagtanggi ko. "sige na sumakay ka na. "pagpipilit niya "Hindi...ok lang talaga ako... Mauna ka na. "pagtanggi ko pa din. "OK ganito wait na lang kita makasakay,bago ako umalis. "sabi niya. Di na lang ako nakipagtalo pa. May dadating na naman siguro taxi. Subalit 10 minutos na wala pa din dumadaan. Hapon kasi at uwian na ng mga trabahador, kaya madami nagaagawan para makasakay. 20 mins, 30mins at inip na inip na ako. Mukhang inip na din siya sa paghihintay. Bahala siya.. Sabi ko ng umalis na eh. Nakita ko siyang sumakay na sa kotse niya at pinaandar na. Akala ko aalis na siya at iiwan na ako.Huminto siya sa tapat ko at pinagbuksan niya pa ako ng pinto. "halika na. "pagpipilit niya. "Di ka agad makakasakay diyan ,ang dami pang nag -aabang oh.. "Luminga linga ako at mukhang mamaya PA talaga ako makakasakay kung maghihintay pa ako. Napilitan na lang din ako sumakay kahit ayaw ko. Tahimik lang kami sa byahe. Di ako nagsasalita. Nakikita ko minsan ang pasulyap sulyap niyang tingin, di ko lang pinapansin. Inihatid niya ako hanggang tapat ng aming bahay. Syempre alam niya pa din naman ang bahay namin. Nagpasalamat na lamang ako, hindi ko na siya niyaya sa loob ng aming bahay kahit nakakahiya. Bahala na siya magisip ng masama . Mabuti na lang at umalis na din siya pagkatapos .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD