Kinabukasan ay tumawag ako kay mama upang kamustahin si Thania at sabihin sa kanilang nasa mabuting kalagayan lamang kami ni Anzon. Ibinalita din sa akin ni mama na napuntahan na daw nila ang bahay sa subdivision at lilipat na daw silang tatlo doon sa makalawa.Masaya ako dahil sa kabila ng nangyari ay alam Kong may magandang buhay na naghihintay sa anak Kong si Thania. "Sino kausap mo?"Napapitlag ako ng kaunti Kasi nagulat ako at bigla bigla na lamang nagsasalita itong si Leonil.Bukod doon ay malakas ang tono ng boses nito.Galing siya sa banyo at kakatapos lang maligo. "Si mama nangangamusta lang." "Nasa kabilang linya pa?"tanong niyang muli.Hindi naman siya tonong galit pero pakiramdam ko nakakatakot pa din siyang magsalita. "W-wala na."Medyo kabado Kong sagot. "Give me your phone.

