Nasa loob ng bahay ng mga Gonzalez sina Agent Cris at Agent Neil. Pareho silang nagtapos ng Law sa isang sikat na university at pagkatapos ay nag apply as agents sa NBI. Mas matangkad si Agent Cris kaysa kay Agent Neil, ngunit pareho silang average body type – walang abs, pero may mga balahibo sa braso si Agent Cris. “Iniimbita ka namin para sa ginagawang investigation sa pagpatay kay Angela Aguirre at sa mga kasama niya.” Si Agent Neil. Umupo si Macoy sa sofa habang si Grace ay pumunta sa kusina para gumawa ng orange juice at kaunting crackers. Tumango si Macoy sa mga Agents habang nakikinig lang sina Grace, Harvey at Gio. “Ferdinand..ilang taon ka nang nag-aaral sa St. Francis Academy?” Si Agent Cris. “Macoy’s fine. Nag-aaral ako dito since 2002.” Si Macoy. “Marami ka bang kaklase d

