Chapter 7: The Traitor
CLAJIER RICOCHETTE P.O.V:
Tinuring kong matalik na kaibigan si Hiro, higit pa sa isang kapatid. Nagtiwala ako sa inyong dalawa Aoi at Hiro. Halos tumagal din ng 3 taon ang relasyon namin ni Aoi.
Mahal na mahal ko si Aoi, ngunit akala ko ganoon din siya sa akin. Pinagtulungan nila ako, alam ko pare pareho kaming mga malalakas. Kaming dalawa ni Hiro ay sanay na sa pakikipaglaban.
Bago ko makuha ang posisyon ko, nagpakahirap muna ako dahil ayokong mabigo ang aking ama. Isang daan taon din pinapangalagaan ang pamamahala namin mga pamilyang Ricochette dito sa asosasyong ito, ang Black Raven.
Nagkamali ako sa inyong dalawa ni Aoooooiiiiii......!!!!
Iniwan nila akong sugatan, pero gagawin ko ang lahat upang mabawi lang ulit si Aoi. Gano man ito kahirap, gagawin ko lahat para din mapatay ko ang taksil kong kaibigan!
HIRO P.O.V
Patawarin mo ako Clajier. Ngunit tama na ang pagpapahirap mo kay Aoi, sa tatlong taon na nasa kamay mo si Aoi. Labis labis akong nasasaktan sa tuwing minsan ay sapilitan mo siyang inaangkin. Rinig na rinig ko ang sigaw ni Aoi.
Aoi at Hiro: Flashback
Hiro: (Habang nakaupo si Hiro sa tabi ni Aoi)
"Nasaktan ka na nman ba ni Clajier? Alam kong dika masamang tao."
Aoi: (habang umiiyak)
"Tulungan mo ako Hiro, ayoko na dito. Diring diri na ako sa sarili ko. Iniisip ng mga kasama ko patay na ako. Gusto ko ng tahimik na buhay. Binibigay ko naman ang gusto ni Clajier, minsan lang ay pinipilit niya ako. Hindi ako makalaban dahil may kinatatakutan ako. Gusto ko rin mabawi si Blood sa kamay niya."
Hiro:
"Patawarin mo ako Aoi, ngunit hindi kita matutulungan."
Aoi:
"Mahal kita Hiro........."
(Natulala si Hiro sa narinig)
Hiro:
"Huwag mong sabihin yan Aoi, dahil kasintahan mo ang aking kaibigan."
Aoi:
"Hindi ko siya mahal Hiro.... Dahil alam mo simula palang sapilitan lang ang relasyon namin. Napilitan ako dahil gusto ko makatakas, inisip ko kung nagtiwala siya sa akin makakalaya na ako. 3 taon na ako nandito Hiro... Pero ikaw lang ang nakaintindi sa akin. Ikaw ang nag aalaga sa akin. Ikaw rin ang nagpupunas ng luha ko sa tuwing sinasaktan ako ni Clajier. Ginamit ko na ang sarili ko upang pagkatiwalaan niya ako, ngunit hanggang ngayon bigo ako."
Hiro:
"Alam mo kung gaano kasakit ang nakikita kang sinasaktan niya ngunit wala akong magawa. Dahil siya ang pinuno namin. Mahal din kita Aoi, ngunit hanggang dito na lamng tayo. Tinanggap ko na kay Clajier ka nababagay".
Biglang hinalikan ni Aoi si Hiro. At nasabi niya na
"Mahal na mahal kita Hiro, pag nakatakas tayo nais kitang makasama habang buhay."
Ginantian niya ng halik si Aoi, nang araw ring yon lihim ang pag iibigan nilang dalawa. Ngunit isang araw ay nahuli ni Clajier na may nangyayari sa kanila.
Agad agad ay naglaban silang dalawa ni Hiro, ngunit tumulong si Aoi sa laban. At natalo na nilang dalawa ang binatang si Clajier. Tumakas ang dalawa.
Makalipas ang dalwang taon, nakita na ni Clajier na nagtatrabaho si Hiro sa isang Coffee Shop.