Exactly 1pm sinundo ni Angelo si Ninay sa may hardware. Kahit na naka-plain white shirt lang ito, at faded jeans ay hindi pa din matatawaran ang kisig at kagwapuhan nito. Angelo is like a super model na biglang na lang lumitaw sa harapan niya. "Nakapagpaalam ka ba sa boss mo?" mahinang tanong ni Angelo sa kanya. "Nasa sasakyan na si Benjamin at naghihintay." "Oo, nakapagpaalam na ako, pero magpapaalam ako uli," aniya, at nilapitan si Aling Cora. "Aalis ka na?" makahulugan tanong sa kanya ni Cora bago pabulong na tinanong si Ninay. "Siya ba si Angelo?" "Oho, Aling Cora." "Ang gwapo niya, at mukhang mabango," nakangiting sabi ni Cora. "Ngunit mag-ingat ka din ha, mukhang playboy." Nais niyang matawa sa sinabi ni Aling Cora dahil kanina lang sinabi nito na hayaan siya ni Marian, ngu

