Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Feeling niya hindi magkadugtong ang kanyang mga brain cells, at magkadugtong may ay hindi gumagana dahil wala siyang maisip. Blanko ang kanyang utak. Nagpasalamat siya't pumayag si Benjamin na sumama kay Badeth sa condo ni Angelo. Dahil kung nandito ang kanyang kapatid ay tiyak na kukulitin din siya katulad ng ginagawa ni Angelo ngayon. "Kagabi ka pa hindi kumain. Nais mo bang magkasakit ha? Kumain ka naman kahit kunti. Ninay naman, you're making me worried," pagpupumilit na sabi ni Angelo sa kanya. Hawak nito ang isang plato na may pagkain. Kulang na lang ay subuan siya nito. "Justin, pwede bang 'wag kang makulit," banas niya na sabi, at masama itong tinignan. "Wala akong ganang kumain. Hindi ko alam kung bingi ka o' nagbibingi-bingihan la

