JENELYN: "M-Marga. . .you can stand?" nanginginig ang boses na saad ni Noah na ikinalunok nitong bigla na lang. . . napalupasay! "Urghh! My butt," impit nitong daing na nanlambot ang mga tuhod at mukhang napasama ang pagbagsak ng pang-upo sa sahig. "Marga!" bulalas ni Noah na kaagad napatayong inilang hakbang ang pagitan namin na mabilis kinarga itong parang batang napahikbi at dumadaing. "Aahh! Babe, it hurts! That witch! Paalisin mo nga siya dito!" pagngangawa nito na maingat siyang inilapag ni Noah sa sofa. Napailing akong napangisi ditong napakatalim ng ginagawad na tingin sa akin. Animo'y nagbabanta ito sa uri ng tingin. "Should I bring you to the hospital? Napasama ba ang bagsak mo? Bakit kasi pwinersa mong tumayo? Tignan mo nga ang nangyari," pagalit ni Noah dito na bakas ang

